Daily MaverickAGRICULTURAL SECTOR OP-ED: SA’s citrus and table grape exports face port and weather risks in 2027The Jerusalem PostHow 19th-century settlers from Maine left behind a hidden American treasure in modern Tel AvivInquirer141 pawikan hatchlings released in Verde Island PassageBollywood HungamaGunmaaster G9: Emraan Hashmi to meet fans at Mumbai’s Gaiety Galaxy on November 24; announces details of advance bookingPunch2027: Rainbow coalition inaugurated in Cross RiverSky TG24Ucraina colpisce 2 navi russe a Bengasi, a est della Libia20 MinutenAusverkauft: Jetzt machen alle dieses Winteraccessoire selbstZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFRolling StoneNick Cave’s Raucous, Druggy Johnny Cash Cover Will Improve Your DayNotJustOk'Nigeria is not ready to host the World Cup' - FIFA PresidentSRF NewsSchulanlage Rheinfelden AG zu – 200 Kinder haben schulfrei: So erlebt eine Mutter die Situationالشرقالعراق.. هل تصبح جرف الصخر نموذجاً لحصر السلاح بيد الدولة؟
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, November 23, 2026

Fish cages na 2 Chinese umano ang may-ari, perwisyo sa mga residenteng Pinoy sa isang isla sa Sual, Pangasinan

Translate

Inirereklamo ng mga mangingisda, residente, at resort owners sa Cabalitian island. ang mga fish cage na pag-aari umano ng dalawang Chinese nationals, na itinayo sa Calpay Shoal sa Sual, Pangasinan, na hindi kalayuan sa isla.

Sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing naapektuhan na ang pangingisda sa shoal ng mga residente ng Cabalitian dahil itinataboy sila ng mga bantay sa fish cages.

Ang mga resort owner sa isla, nagrereklamo rin dahil bumaba ang tourist arrival sa lugar na isinisisi rin sa fish cages. Dahil umano sa itinayong mga baklad, nagkaroon ng malansang amoy at naging makati ang tubig sa dagat sa kanilang lugar na hinihinalang dulot ng namamatay na mga bangus sa palaisdaan.

Bagaman naidulog na nila noon sa lokal na pamahalaan ang problema nila tungkol sa mga fish cage sa naturang lugar, sinabi ng tagapagsalita ng mga maningingisda ngayon lang umano sila pormal na naghain ng reklamo dahil sa perwisyong dulot sa fish cages.

Ayon sa ulat, hindi sakop ng “mariculture zone” ang lugar na kinaroroonan ng mga fish cage kaya wala dapat fish cages na itinayo sa naturang lugar.

Naglabas na umano noong Setyembre 2026 ang lokal na pamahalaan ng cease and desist order laban sa dalawang Chinese national, at inatasan silang alisin na ang mga fish cage, .

Pero sa halip na alisin ang mga fish cage, mas nadagdagan pa ang bilang nito sa 40, mula sa dating 33.

Base sa paliwanag ng kinatawan ng dalawang Chinese national sa LGU, nagdagdag umano sila ng fish cages para mailipat ang ilang alagang bangus dahil sa sobra ang dami ng laman sa ibang fish cages.

Samantala, dumulog na rin ang mga mangingisdang Pinoy sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at sa Environmental Management Bureau, upang paimbestigahan ang mga fish cages at epekto ng mga ito sa karagatan.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.