Punch2027: Atiku can’t win 25m northern votes when son backs Tinubu – APC chieftainInquirerVideos of Santiago, Corona, ex-Pres. Duterte played in impeachment trialThe Jerusalem PostPro-Palestinian protesters demand Yoav Gallant's arrest during New York City visitBollywood HungamaAyushmann Khurrana and Tiger Shroff seek security cover amid threats; Mumbai Police considers X-category protectionInquirer EntertainmentWATCH: BTS members explore Taiwan night market ahead of ‘Arirang’ concertStraits Times SportMontoya returns as Argentina make seven changes for France clashZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioCNN بالعربيةمحاكاة كونية غير مسبوقة ترصد أول ملياري سنة من نشأة الكونRTL BoulevardUnieke uitspraak Internationaal Gerechtshof: Myanmar schuldig aan genocide op RohingyaBBC BusinessIndian driver wins $1.3m in life-changing lottery prizeScreen RantTerry Pratchett's Discworld: Adventures in Lancre and Überwald Officially Releasing October 2027TVN24Ważna informacja dla użytkowników systemu ePUAP. "Przepraszamy"
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, November 19, 2026

3 lalaking sakay sa motorsiklo, patay nang magulungan ng cement tanker sa Bulacan

Translate

Kalunos-lunos ang sinapit ng tatlong lalaking magkakaangkas sa motorsiklo na nasawi matapos silang magulungan ng isang 22-wheel cement tanker sa Doña Remedios, Trinidad, Bulacan.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa GTV News Balitanghali nitong Huwebes, sinabing bumangga at nagulungan ng truck ang magkakaibigang biktima sa M. Valte Road sa Barangay Camachile madaling araw ng Lunes.

Ngunit sa halip na tumigil ang truck, sapul sa CCTV camera na humarurot ito palayo sa insidente habang kinakaladkad ang motorsiklo ng mga biktima.

Sinabi ng pulisya na nasa 10 kilometro ang ibiniyahe ng truck habang nakasabit ang motorsiklo sa likuran bago ito naharang.

“Kalaunan may tumawag po sa atin at agad naman po natin itong nirespondehan. Dahil po sa ating JBM Patrol System, sa karatig-bayan po ay naharang po siya ng ating mga barangay,” sabi ni Police Major Jayson Viola, chief ng Doña Remedios Trinidad Police.

Nagkasira-sira ang motorsiklo sa layo at tagal ng pagkakakaladkad. Habang makikita naman ang bakas ng dugo ng mga biktima sa isa sa mga gulong ng truck.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na magkakarga sana ng semento ang truck sa San Ildefonso nang maganap ang insidente.

Nag-panic na umano ang truck driver nang sumalpok ang mga biktima kaya hindi siya huminto.

“Medyo accident-prone area po kasi talaga ‘yung lugar. Maliwanag naman siya pero may pa-curve siya at pataas, pababa. So maaaring nagkaroon ng human error. Ang unang sagot niya sir, natakot daw po siya,” sabi ni Viola.

Isa sa mga biktima ang 20-anyos na si Adrian Maderable, na kakain lang sana kasama ang mga kaibigang angkas din ng motorsiklo nang masangkot sa sakuna.

Hindi matanggap ng kaniyang mga magulang ang sinapit ng binata.

Kilala si Adrian at maraming kaibigan dahil sa husay niya sa pagbabasketball.

Humihingi naman ng tawad sa pamilya ng mga biktima ang driver.

“Ako po ay humingi na lang po ng pasensiya. Hindi ko po sinasadya, aksidente po talaga sir,” anang driver.

Nakabilanggo na sa Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station ang 48-anyos na truck driver, na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.—Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.