The Jerusalem PostIran hardliners demand US ‘pays the price’ before war ends, emboldened by GOP defeat - reportPunchNigeria faces 2.2 million-tonne annual fish deficit — FGBBC SportWatch Sportscene highlights of Sunday's Premiership actionDaily MaverickINVESTMENT OUTLOOK: Could a blue wave in the US transform the red wave in local retailers?Collider2026's Most Terrifying Video Game Movie Officially Becomes a Streaming Smash HitVarietyAlycia Baumgardner vs. Elif Nur Turhan on ESPN Unlimited: Here’s Where to Watch the Title Bout Live OnlineZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDF01netHonor Magic 8 Lite : si vous avez des moufles à la place des mains, c’est celui qu’il vous faut (-44 %)CBS NewsTranscript: Sen. Elizabeth Warren on "Face the Nation with Margaret Brennan," Nov. 8, 2026Football ItaliaSpalletti: ‘Juventus need to put faith in players, you say we must win Scudetto’ABC News (Australia)Man charged with murder after stabbing of delivery driver in MelbourneVanguardDebate: ‘Agbero interests holding back Lagos public transport’ – NDC’s Doherty
The Daily Newsstand · Free, Always
Sunday, November 8, 2026

Alex Eala, runner-up sa HK Tennis Open matapos mabigo sa world No. 102 na si Claire Liu

Translate

Bigong makuha ni Alexandra "Alex" Eala ang ikalawa niyang WTA title nang matalo kay Claire Liu, world No. 102, sa finals ng Hong Kong Tennis Open, 3-6, 0-6, nitong Linggo. Dahil dito, nagtapos siya bilang runner-up sa huling torneo niya ngayong season.

Dikit pa ang laban ng dalawa sa unang bahagi ng unang set hanggang sa humingi ng medical timeout si Eala sa iskor na 3-4. Matapos nito, nakuha ng American tennis player ang huling dalawang laro upang tuluyang makalamang.

Mula rito, hindi na nagpaawat si Liu at tuluyang na-upset si Eala upang masungkit ang kampeonato. Ito ang ikalawang paghaharap ng dalawa sa kanilang career, matapos ding talunin ni Liu ang Pinay sa Round of 32 sa 2025 Guangzhou Open.

Si Liu ang naging kauna-unahang Amerikanang nagkampeon sa Hong Kong Open, at ginawa niya ito sa kahanga-hangang paraan.

Agad na pinahirapan ni Liu si Eala gamit ang kaniyang mga serve at nakuha ang unang laro sa Set 1. Ngunit mabilis na bumawi ang Pinay at tatlong beses na tinalo si Liu sa sumunod na apat na laro upang magtabla ang iskor sa 3-all.

Gayunman, humingi ng medical timeout si Eala upang lagyan ng tape ang kaniyang kanang tuhod matapos makuha ni Liu ang Game 7 at manguna sa iskor na 4-3.

Sinamantala naman ng Amerikanang manlalaro ang mga error ni Eala sa sumunod na dalawang laro, kabilang ang isang pagkakamali sa pagsalo ng serve sa Game 9, upang masungkit ang unang set.

Sinubukan ni Eala na makabawi sa second set ngunit nasayang ang pitong pagkakataon niyang makuha ng puntos sa isang matinding laban na tumagal ng 26 minuto, bago naipanalo ni Liu.

Tuluyan nang nakontrol ni Liu ang laro at nakuha ang sumunod na limang games. Pinaluhod niya si Eala sa pamamagitan ng malalakas na return sa Game 5, bago humataw ng tatlong magkakasunod na ace upang selyuhan ang panalo sa Game 6.

Opisyal na ring nagtapos ang makulay na kampanya ni Eala ngayong 2026, na kinabilangan ng ilang career-high ranking, kauna-unahan niyang WTA 500 title sa Mubadala Citi DC Open, at ikalawa niyang WTA 125 title sa Birmingham Open.

"First and foremost, I want to congratulate Claire on an amazing tournament, a great week and a great match. Very, very well-deserved congratulations," saad ni Eala matapos ang laban.

"I'd like to thank the tournament staff and the organizers for the amazing hospitality, the physios for keeping me together. And of course, the fans. Thank you, thank you, thank you," dagdag niya.

Labis din ang pasasalamat ng 21-anyos na world No. 17 na si Eala sa magandang kampanya niya ngayong taon, na hindi raw niya magagawa na mag-isa.

"I'm forever grateful. And of course, last but not least, my team, my parents, my brother, Mico, my coach, Joan, and my two other coaches," sabi ni Eala.

"This season has just changed my life. It's changed my life for the better," patuloy niya

Hindi man niya man siya ang nagwagi sa laban, inihayag ni Eala ang kasiyahan sa nakamit niya at ng kaniyang team ngayong 2026.

"I'm really incredibly proud of the work we've put in this year. And we're the only ones who truly know what it took to arrive at this point in our journey," ayon sa Pinay tennis star.

"So, thank you so, so much. Congratulations. This is only the beginning. And this one (trophy), like all of them, is ours. So, congratulations. Thank you, everyone," dagdag niya.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.