[EDITORIAL] From powerful to paranoid — ang laos na victimhood playbook ni Sara Duterte

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
![[EDITORIAL] From powerful to paranoid — ang laos na victimhood playbook ni Sara Duterte](https://www.rappler.com/tachyon/2026/09/animated-Sara-Duterte-arrest-warrant-sept-6-2026-carousel.jpg)
Nico Villarete
Nakaiinip talaga ang proseso ng bail. Pero tanging si Sara lang ang nakapag-trantrum live on cam.
Sara Duterte likes to mix up her messages and roles.
Mula sa mistulang mafia boss na “no joke, no joke” na kumontrata ng hitman noong November 2024, nitong September 5, ang nakita natin ay isa namang Sara na insecure, even paranoid, sa kanyang security.
She “does not feel safe.” Lalo na raw sa harap ng kapulisan. Well, may point naman siya — pero sinong pamilya ba ang nagtransporma sa kapulisan upang maging extrajudicial killing machine? Hindi ba ang mga Duterte?
“Sino’ng nasa likod ko? Naaalala mo ba na si Ninoy Aquino, namatay sa hagdanan?” Uy, na-invoke pa si Ninoy na binaril sa tarmac. Talk about milking a situation. Bravo, bravo.
At ‘yan ang talent na namana ni Sara sa kanyang amang si Rodrigo Duterte — ang sense of drama. Namana rin niya ang husay mambaliktad — na tinatawag ng mga bagong henerasyon na gaslighting.
Sabi nga ng journalist na si Inday Espina Varona: mula “hysterical hurler of death threats,” ngayon “biktima” daw siya ng persecution. May dalawa pang ginang na umiiyak, na on-cue naman niyang niyakap.
She missed her calling ba? Eh ano pa ba ang tatak ng premyadong aktres kundi ang flawless switching from one role to another?
Remember November 28, 2024? Tila tigre niyang minura, isinumpa, at kinastigo ang House of Representatives na nag-piit pansamantala sa chief of staff niyang si Zuleika Lopez. At ang backdrop ng kanyang live video ay ang dramatic dark room, giving dungeon vibes.
And she was one hell of a tiger: she scratched and clawed her way through the President, the First Lady, and the House speaker in power then. Nanggagalaiti. At para sa mga conflict-averse na Pinoy — siyempre ayaw nating makasagupa ang tigre.
Naaalala ‘nyo ba nang dumating siya sa Senado noong Day 2 ng impeachment trial? Kulang na lang mag-apir from thin air ang red carpet at bulaklak — she was so poised, gracious, and princess-like. Parang dumating sa sarili niyang kasal. In a soft voice, she apologized, smiled shyly, and delivered her mangled Invictus line.
Mabalik tayo sa bail-filing nitong Sabado. Did you see how she reframed standard legal accountability as persecution? Puwede ba talagang isama ang buong entourage (kasama ang nilalait-lait lang noong isang araw na media) sa bail processing sa loob ng korte? Never heard of it.
And this is how Sara Duterte does a disservice sa mga kababayan nating tunay na disenfranchised at walang boses — tayong mga walang koneksiyon, walang pera, walang kasikatan.
Nakaiinip talaga ang proseso ng bail. Pero tanging si Sara lang ang nakapag-trantrum live on cam. Tanging si Sara lang ang nagpa-defensive sa hepe ng interior and local government department, na napilitang magsabing ibinigay niya kay Sara lahat ng respetong nararapat sa posisyon niya.
Imbes na “target of persecution,” we see her nitpicking. Imbes na “biktima,” we see entitlement.
But a script can only be played out so many times — di naglaon ay luma, laos, at nakasasawa na.
Baka naman gusto ‘nyong sunod na subukan ang role na “adulting,” Madam Vice President?
Sabi nga ng National Union of Journalists in the Philippines, “If only Sara paid more attention to standards of governance and leadership…” – Rappler.com
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.