Bangkay ng lalaki na nakagapos at nakabalot sa kutson, nakita sa bangin sa Rizal

Isang bangkay ng lalaki na nakabalot sa kutson ang natagpuan sa bangin sa Rodriguez, Rizal nitong Sabado ng hapon.
Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News 24 Oras nitong Lunes, sinabi ng barangay tanod na mangangalakal na maghuhukay sana ng gabi ang nakapansin sa kutson na kita ang paa ng bangkay sa loob.
May tape umano ang mukha ng biktima, laslas ang leeg, at nakagapos nang matagpuan.
Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang may taas na 5’2” hanggang 5’5”, itim ang buhok at kayumanggi ang balat.
Wala itong damit nang matagpuan pero itim ang kulay ng shorts at may tattoo sa dibdib.
Isinailalim sa postmortem examination at iba pang proseso ang bangkay sa punerarya bilang bahagi ng imbestigasyon.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at pati na rin ang salarin.—FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.