3 nakasakay sa tricycle, niratrat sa Mamasapano; 2, patay

Dalawa katao ang nasawi, habang isa pa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Mamasapano sa Maguindanao del Sur.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing sakay ng tricycle ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng mga nakatakas na salarin sa bahagi ng Barangay Pembalkan noong Huwebes.
Nagpapagaling pa sa ospital ang nakaligtas na biktima na sinusubukan makuhanan ng pahayag, gayundin ang mga kaanak ng mga nasawi, ayon sa ulat.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.