[EDITORIAL] Pinagpala talaga si Imelda Marcos at Martin Romualdez

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
'Victory for impunity' raw ito sa ilalim ng sistema na laging talo ang accountability kapag bumangga sa kapangyarihan, yaman, at pagde-delay gamit ang legal muscle
In a way, it was a good week for the Marcoses and Romualdezes — napawalang-sala si dating first lady Imelda Marcos mula sa pitong counts of graft.
With every intention of sounding sarcastic, we’re quoting Imelda herself, “God is love. I have loved. Therefore, I will go to heaven.” Nabilaukan man kayo o hindi, tandaan ninyo ang sense of entitlement sa pahayag na ito that only Imelda can deliver.
Ito namang si dating House speaker Martin Romualdez, sinusuwerte pa rin kahit hinahabol ng Ombudsman, dahil sa oras na inilabas ang arrest warrant niya para sa 7.44-billion plunder case, bigla siyang naospital. ‘Yan ba ang klase ng suwerte na galing sa bilyon-bilyong yaman?
Anong larawan ang ipinipinta nito? “Victory for impunity,” sabi ng analysts at advocates. Ito ang sistema kung saan laging talo ang accountability kapag bumangga sa kapangyarihan, yaman, at pagde-delay gamit ang legal muscle.
Mabilis ring nabasa ni Rappler investigative head Chay Hofileña at ng kanyang team ang template, “Top officials, including past presidents charged with plunder and/or graft and corruption, suddenly fell ill or developed illnesses that merited confinement.” (BASAHIN: Romualdez joins list of officials who cite illness to delay custody)
Ipagpalagay na natin na talagang may sakit ang mga opisyal na ito. Sabi ni Southern Illinois University criminology associate professor Raymund Narag, ipinapakita nito na “selectively available to the rich and powerful” ang medical considerations. Kung mahirap ka at may kondisyong pangkalusugan, makatatambay ka ba sa ospital kahit may arrest warrant?
This is a graphic story of how power, privilege, and family shield the elite. Konektado ang dalawang kaso sa nakaupo ngayon sa Malacañang. Imelda Marcos is the mother of President Ferdinand Marcos Jr. and Martin Romualdez is his first cousin.
Despite the fallout between Marcos Jr. and his cousin, talaga bang walang kinalaman ang pagiging Romualdez niya sa desisyong pagbigyan siyang manatili sa Cardinal Santos at pagkatapos ay ipa-test pa sa University of the Philippines-Philippine General Hospital? Gagawin ba nila ito para sa lahat ng magdadahilan na hindi sila puwedeng ikulong dahil may sakit?
Mabalik naman tayo kay Mrs. Marcos. Sabi ng human rights lawyer na si Ruben Carranza, ipinapakita ng acquittal ni Imelda Marcos ang “long-standing problems in the Philippine justice system.”
Ano’t ano man ang naging hatol ng mga korte, hindi nito binabago ang true historical narrative: ang human rights violations noong Martial Law, ang civil forfeiture rulings, at ang mga nabawi ng estado at ng mga biktima na ill-gotten wealth.
Sabi ng representante ng ACT Teachers Party-List, ipinapakita ng acquittal na tila hindi kayang ikulong ng justice system ang “biggest plunderers.”
Hindi maihihiwalay ang magkasunod na dagok ng impunity na ito sa Marcos legacy.
Ngayong nagbabanggaan ang dalawang legacy sa buhay ni Marcos Jr. — ang “mahiya naman kayo (shame on you)” SONA speech na nag-trigger sa flood control corruption exposés at ang baluktot na pamana ng Martial Law — ano ang gagawin ng Pangulo?
Pero kung nais in Marcos na ipamukha sa mundo na hindi niya kinukunsinti ang pinsan at labas siya sa mga kalokohan ng kanyang dating most trusted lieutenant — dapat niyang seryosohin ang pagpapataw ng patas na batas.
Kapag ang batas ay istrikto sa mahihirap, pero nababaluktot para sa presidential relatives — hindi lamang ‘yan suwerte. ‘Yan ang kaibahan ng langit at lupa ng mayaman at mahirap. That is impunity, that is injustice. – Rappler.com
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.