The Jerusalem PostIndian national killed, New Zealander injured, after helicopters collide in Mount Everest regionBollywood HungamaRamayana 3 on the cards? Namit Malhotra says makers may revisit plans after audience feedbackPunchAFC postpones 2027 Asian Cup till DecemberDaily MaverickVIDEO: Poll Dancing: Watch Politically Aweh’s elections comedy special before you voteObservador DesportoPense-se o que se pensar, a acampada teve uma grande vitória3DNewsApple установила рекорд по продажам iPhone, несмотря на отсутствие базового iPhone 18ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFWirtualna PolskaPlan obalenia prezydenta przez TK? Myrcha: "Nie widziałem"NOSKamerleden naar Zierikzee voor eerste officiële vergadering buiten Den HaagkickerWattenscheid 09: Aufgeheizte Stimmung vor dem Bochumer DerbySRF NewsKrieg in der Ukraine – Selenski wird laut Merz in Berlin erwartetגיקטייםסלחו על הצרפתית שלי, אבל החוק למיסוי הורדות בצרפת הוא אחד הרעיונות הכי מטומטמים ששמעתי
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 3, 2026

Panghahablot ng lalaki sa cellphone ng babaeng estudyante sa Antipolo, nahuli-cam

Translate

Pinaghahanap ang isang lalaki na nahuli-cam na hinablot ang cellphone ng isang babaeng estudyante sa Antipolo, Rizal.

Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Martes, mapanonood sa CCTV ang biglang pagtakbo ng isang lalaking nakaitim at long sleeves sa terminal ng tricycle sa Barangay Dela Paz, Sabado ng gabi.

Isa umanong magnanakaw ang lalaki, na hinabol ng isang lalaking nakaitim na t-shirt at shorts at isa pang lalaki na nakaputing t-shirt.

Sinabi ng 18-anyos at Grade 12 student na biktima na inagaw ng lalaki ang kaniyang cellphone habang nakasakay siya sa tricycle. Mga kaibigan niya ang humabol sa salarin.

“Nu’ng nakasakay na po kami, umandar na po 'yung bajaj pataas po and then na-stuck po kami kasi traffic nga po and then madami rin pong tao doon. Tapos cha-chat ko na po si mama na pauwi na ako. Nu’ng pagka-open ko po nu’ng phone ko, doon po niya hinablot po and then nakatakbo na po siya,” sabi ng babaeng biktima.

Mahigit P60,000 ang halaga ng tinangay na cellphone na isang linggo pa lamang niyang nagagamit.

“‘Yung cellphone na po ‘yun, ginagamit din po niya online sa school niya, sa mga project po niya. Grabe po 'yung trauma nangyari sa kaniya,” sabi ng ina ng biktima.

Inireport ng biktima ang insidente sa barangay at pulisya.

Ayon sa barangay, agad rumesponde ang kanilang mga tauhan sa lugar ng pinangyarihan pero hindi na nila inabutan ang suspek, na mabilis na tumakbo at hindi nakita ng mukha dahil nakasombrero.

Patuloy ang backtracking ng mga awtoridad sa insidente para matukoy ang salarin na posibleng maharap sa reklamong theft. —Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.