16-anyos na motorcycle rider na papasok sa eskuwelahan, nasalpok ng kotse sa Albay

Imbes na sa eskuwelahan, sa ospital ang bagsak ng isang 16-anyos na motorcycle rider matapos siyang masalpok ng isang kotse habang papasok sa paaralan sa Tabaco, Albay.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, sinabing tumilapon ang rider sa lakas ng pagkakabangga. Samantala, wasak naman ang bumper ng kotse.
Sa video footage, makikita na patawid ng kabilang bahagi ng kalsada ang biktima nang mahagip siya ng kotse.
Agad dinala sa paggamutan ang rider, na ayon sa pulisya ay nagtamo lamang minor injuries at maayos na ang kondisyon.
Hindi na nagsampa ng reklamo ang pamilya ng menor de edad matapos makipag-areglo ang driver ng kotse. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.