CNN TürkCAT31! Kedinin gözünden COP31 ZirvesiPunchChina accuses US of using spy claims to justify tech blockadeBollywood HungamaKareena Kapoor Khan faces legal notice over Quranic verse on 30-carat emerald pendant worn for Diwali 2026The Jerusalem PostWhy India and Israel still need an economic deal - opinionInquirerCops seize P16-M shabu in Zamboanga Sibugay raidUOLIrlanda sofre pressão para barrar envio à Rússia de matéria-prima militarSeeking AlphaHigh Liner Foods declares CAD 0.175 dividendFutura SciencesTasmanie : l’île australienne où la Terre raconte 500 millions d’années d’histoireVilaWebLa consellera Parlon titlla de “quatre arreplegats facinerosos” els participants en els aldarulls a BarcelonaOnetŻołnierz nakrzyczał na Pete'a Hegsetha i jego ludzi. Nie zachowali należytej powagiPremium TimesGovernor sacks task force over building demolitionTVN24Rosja ma problem z niedźwiedziami. Coraz więcej ataków
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, November 12, 2026

5 alagang aso, hinihinalang nilason sa La Union; 5 aso at 14 na manok naman ang nalason sa Ilocos Norte

Translate

Nasawi ang limang alagang aso matapos lasunin umano ng hindi pa matukoy na salarin sa Bacnotan, La Union. Sa Ilocos Norte, tatlong aso at 14 na manok naman ang namatay dahil sa lason na inilagay para sana sa mga daga.

Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing naniniwala ang may-ari ng tatlo sa mga aso na may naglason sa kaniyang mga alaga.

Pag-aari naman ng kaniyang kapitbahay ang dalawa pang aso na namatay.

Matapos ang insidente, isang beterinaryo ang nagtungo sa lugar at kinuha ang isang aso para matukoy ang dahilan ng pagkamatay.

Kinondena ng Animal Kingdom Foundation ang pagkamatay ng mga alagang aso, at nanawagan sa kung sino man na nakakita sa nangyari na mag-report sa mga kinauukulan.

Samantala sa Bacarra, Ilocos Norte, nasawi rin ang tatlong aso at labing apat na manok matapos makakain ng lason.

Sinabi ng may-ari na nakakain ang kaniyang mga alaga ng lason na para sana sa daga na nakalagay sa bukid malapit sa kanilang bakuran.

Inilagay umano ang lason ng isang barangay kagawad dahil pinepeste ng mga daga ang ilang pananim.

Sinabi ng may-ari sa mga hayop na hindi sila nasabihan tungkol dito.

Nagkaayos naman kalaunan ang magkabilang panig. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.