The Jerusalem Post'Death of a Democracy': Exploring the rise and fall of Weimar Germany - reviewוואלהחמישה קטינים נעצרו בחשד למעורבות באירוע דקירה בחולוןDaily MaverickThe $1.2-trillion desperation play — why Trump’s $5,000 midterm ‘bribe’ will backfireESPN DeportesDe Paula rompe el cero con jonrón de tres carrerasESPNHaaland goal decides VAR-heavy Manchester derby for 10-man CityRTP DesportoEnric Mas confirma triunfo após 21.ª etapa vencida por Tobias Halland JohannessenInquirerRidon: AMLC report will confirm P6.7-B Duterte-Carpio transactionsVanguardBandits allegedly attack Operation Burst base in OyoCollider‘9-1-1's Peter Krause Sets Official TV Return DateESPN CricinfoSri Lanka lose rain-affected warm-up against England LionsRai NewsVolley maschile, ora in campo Italia-Slovacchia. DIRETTADigital SpyPaul Walker's brother doesn't want to be involved with final Fast & Furious movie
The Daily Newsstand · Free, Always
Sunday, September 13, 2026

140 katao na sakay ng pampasaherong barkong nawawala sa Indonesia, hinahanap

Translate

Patuloy na hinahanap nitong Linggo ng mga rescuer ang nasa 140 katao mula sa isang pampasaherong barko na naunang naiulat na nawawala sa Java Sea. Mayroong 103 sakay ang nailikas, kabilang ang isang nasawi, ayon sa pahayag ng isang opisyal ng search and rescue agency.

Sa ulat ng Reuters, inihayag ng isang search and rescue agency, na nawawala ang isang pampasaherong barko ng Indonesia na may sakay na 243 katao matapos mawalan ng komunikasyon nitong madaling-araw ng Linggo habang masama ang panahon.

Ayon sa ahensya, naglayag noong Sabado ang barkong Virgo Transport 8 mula sa lungsod ng Surabaya sa East Java patungo sa lungsod ng Banjarmasin sa South Kalimantan, bago ito nawalan ng komunikasyon.

Sinabi ni I Putu Sudayana, hepe ng tanggapan ng ahensya sa Banjarmasin, sa isang video statement, na 103 katao na ang nailikas gamit ang iba't ibang sasakyang pandagat at ang ilan sa kanila ay dadalhin sa isang daungan sa East Java.

Nagsagawa ang mga rescuer ng search operation at nagpadala ng isang team, mga barko, at isang helicopter patungo sa huling alam na lokasyon ng pampasaherong barko, ani Sudayana. Hindi niya sinabi kung ano ang nangyari sa barko.

Ang Indonesia, isang kapuluan na binubuo ng humigit-kumulang 17,000 isla. Marami ang umaasa sa mga ferry bilang pangunahing paraan ng transportasyon dahil mas abot-kaya at mas madaling makuha ang mga rutang pandagat kumpara sa pagsakay sa eroplano.

Gayunman, sinabi sa ulat na hindi palaging mahigpit na naipatutupad ang mga pamantayan sa kaligtasan, na nagreresulta sa may kataasang bilang ng mga aksidente.— ulat mula sa Reuters/FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.