וואלהלפחות 16 בני אדם נהרגו בפיצוץ מכונית תופת בפקיסטןRTP DesportoLiga das Nações. Jesus anuncia primeira lista de convocados à frente da seleçãoInquirerCatholic bishops hope Mindanao moves forward together after BARMM pollsThe Jerusalem PostThousands of Christians rally for Israel in Amsterdam as anti-Zionist protesters clash with policeBollywood HungamaIIFA 2027 set for January 22-23 in Abu Dhabi; Karan Johar and Varun Dhawan to hostDaily MaverickThe Monday Cane — performative justice that prioritises retribution over protectionESPNAnthony Edwards calls out Sixers' James, Brown and more in Adidas adХабрЛучшие игры про зомби: от психологических драм до безумных кооперативовLa PresseTokyo | Des poubelles robotisées mobiles à la rescousse d’une gareMyJoyOnlineSeveral options being considered by government to cushion consumers from fuel price hikes – NPA BossZDF heuteForderung vor Wahl: Schwesig für SpritpreisdeckelOnetEric Zemmour znów chce walczyć o Pałac Elizejski. Le Pen zyskuje rywala na prawicy
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, September 18, 2026

Marcos, walang planong mag-resign, ayon sa Palasyo

Translate

Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Walang planong magbitiw sa kaniyang opisina si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa Malacañang nitong Biyernes, sa gitna ng mga pahayag ng kampo ni Vice President Sara Duterte na handa siyang pumalit sa puwesto.

“Unang-una, walang magre-resign,” Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro told GMA News’ Unang Balita in an interview.

“Wish lang nila 'yun dahil ang Pangulo tumutupad sa kaniyang tungkulin at nagtatrabaho para sa bayan, sa bansa, at sa taumbayan. So kung wish nila na magre-resign ang Pangulo, I'm sorry,” dagdag niya.

Tinugunan din ni Castro ang mga pahayag ng kampo ni Duterte na kontrolado ng Malacañang ang mga senador, opisyal ng pulisya, at iba pang personalidad sa gobyerno kaugnay ng kaso ng impeachment ng Pangalawang Pangulo.

Ayon sa kaniya, isinasagawa lamang ng mga ahensiya ng gobyerno ang kani-kanilang mga mandato at dapat tugunan ni Duterte ang mga isyu at reklamong ibinabato laban sa kaniya imbes na paratangan ang gobyerno ng pag-uusig.

Binatikos ni Castro ang kampo ni Duterte dahil sa pagkuwestiyon nito sa administrasyon habang, ayon kay Castro, bigo naman silang ipaliwanag ang mga isyu sa kaniyang kaso ng impeachment, kabilang ang paggamit ng confidential funds, pati na rin ang kaso ng grave threat na kinasasangkutan ng plano umanong pagpatay kay Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Samantala, natanong din si Castro kaugnay sa mga posibleng legal na aksyon o operasyon na kinasasangkutan ni dating presidential spokesperson Harry Roque, dating mambabatas na si Zaldy Co, at ni Senator Loren Legarda.

Tumanggi siyang magbigay ng mga detalye tungkol sa anumang operasyon.

“Hindi ko na po ito ma-re-reveal on air,” sabi ni Castro.

“Sa ngayon, hindi ko masasabi kung ano yung mga legal na operasyon nila. Sabi nga natin ay hindi natin puwede maisiwalat kung ano-ano ang dapat na gawin, mga legal na operasyon, at baka hindi matupad o hindi maisagawa dahil nalaman na po noong dapat na makuha, mahuli, mapadala sa Pilipinas. So, hayaan na lang po natin si Secretary Jonvic dyan,” dagdag niya.

Noong Mayo 2025, naglabas ng mga warrant of arrest laban kina Roque, Cassandra Ong, at 48 iba pa para sa qualified human trafficking kaugnay ng scam hub umano'y pinatatakbo ng Lucky South 99.

Itinanggi niya ang kaniyang papel sa mga operasyon ngunit inamin niyang nagbigay siya ng legal na payo sa Whirlwind Corporation, ang may-ari ng lupa kung saan nakatayo ang isang sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga kung saan naganap ang mga tila kriminal na gawain gaya ng torture at scam.

Humingi ng asylum si Roque mula sa Netherlands ngunit inihabilin na ang kaniyang kaso sa mga awtoridad ng Austria dahil sila ang nag-isyu sa kaniya ng visa.

Naglabas naman ng mga warrant of arrest laban kina Co at 17 iba pa kaugnay ng maanomalya umanong mga flood control project noong Nobyembre 2025.

Nagsampa ang Ombudsman sa Sandiganbayan ng mga kasong katiwalian at malversation of public funds laban kina Co at iba pa. Ang mga kasong ito ay may kaugnayan sa umano'y maanomalyang P289-milyong flood control project sa Oriental Mindoro.

Itinanggi ni Co ang mga paratang.

Agosto nitong taon, inutusan ng Office of the Ombudsman si Legarda at ang kaniyang anak na si Batangas First District Representative Leandro Leviste na sagutin ang mga reklamo ng pandarambong at katiwalian laban sa kanila kaugnay ng umano'y pagkabigo ng kompanya ni Leviste na magbigay ng solar power ayon sa nakasaad sa ilalim ng prangkisa nito sa Kongreso.

Tinawag ng kampo ni Legarda ang imbestigasyon bilang "lawfare" at "political persecution."

Umalis sina Legarda at Leviste sa Pilipinas sa magkahiwalay na flight noong Agosto 2, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI). Lumipad si Legarda patungong France habang patungong Hong Kong naman si Leviste. —LDF, GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.