Daily MaverickCULTURAL RESISTANCE: Zayaan Khan, cultivating food justice through seeds, art and activismThe Jerusalem PostEilat, southern Israel's 4.5 magnitude earthquake forces Ramon Airport to briefly halt operationsInquirerGirl, 8, killed as speeding police car hits motorcycle in KoronadalPunchYou can’t say no to Madrid — Spanish striker EspíInquirer Entertainment‘I was breaking down,’ Mikee Quintos opens up anew on thesis issue backlashEl Comercio“Trump no reducirá las acciones migratorias tras su derrota electoral, cambiará la forma de ejecutarlas”ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFMintLogitech offers its 7,000 employees paid leave to play video games before GTA VI launch: ‘Gaming is not a waste of time’VanguardCustoms intercepts six pangolins, two die in Oyoynet"אסור לשכב, אין אוורור": סורים טוענים שעברו עינויים בכלא בישראל01netLes vloggers ne jurent que par elle : la DJI Osmo Pocket 4 perd -40% d’un coup 📹Screen RantGTA 6 First Review Scores Appear Online Early
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, November 11, 2026

OCTA Q3 survey: Trust at performance ratings ni Marcos, bumaba; habang steady naman kay Sara Duterte

Translate

Bumaba ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., habang halos hindi naman nagbago ang ratings ni Vice President Sara Duterte sa pinakabagong survey ng OCTA Research Group.

Batay sa non-commissioned survey ng OCTA na Tugon ng Masa, na inilabas nitong Miyerkules, nakasaad na bumaba sa 45% noong Setyembre ang trust rating ni Marcos mula sa 49% noong Hulyo.

Tumaas naman sa 36% mula sa 32% ang distrust rating ng Pangulo, habang nanatili sa 19% ang mga hindi pa makapagpasya.

Bumaba rin ang performance rating ng Pangulo sa 44% noong Setyembre mula sa 47% noong Hulyo. Samantala, tumaas sa 36% mula sa 33% ang porsiyento ng mga hindi nasisiyahan sa kaniyang ginagawa.

"This is the second consecutive quarterly decline in both ratings, following a brief rebound in March 2026, and the fourth decline in the last five survey rounds," paliwanag ng OCTA.

"Since July 2025, his trust rating has fallen by 19 points (from 64%) and his performance rating by 18 points (from 62%)," dagdag nito.

Ipinakita rin ng survey na ang Balance Luzon na lamang ang pangunahing rehiyon kung saan nananatiling nakakuha si Marcos ng majority ratings, na may 54% trust rating at 55% satisfaction rating.

Pinakamababa naman ang ratings ng Pangulo sa Mindanao, kung saan nakakuha siya ng 28% trust rating at 27% satisfaction rating.

Batay sa socioeconomic class, pinakamataas ang ratings niya sa Class E, na may 59% trust rating at 55% satisfaction rating.

Reaksyon ng Palasyo

Sa isang pahayag, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nagsisilbing paalala ang survey, ngunit hindi nito ipinapakita ang tunay na ginagawa ng Pangulo.

"Ang mga tao na naabot na ng gobyerno tulad ng mga magsasaka, mga pasyenteng nakaranas ng zero balance billing sa mga hospital ay maaaring hindi nakasama sa mga survey kaya iba iba ang numerong lumalabas sa mga survey," ani Castro.

"Dahil ang mga nagbago ang kondisyon sa Walang Gutom program ay maganda ang nabigay na numero. Anumang numero ang lumabas ay hindi magpapatigil at magpapatinag sa ating pangulo sa pagtatrabaho," dagdag niya.

Sara Duterte

Samantala, bahagyang tumaas sa 48% mula sa 47% ang trust rating ni Duterte, habang nanatiling 33% ang distrust rating niya.

Tumaas din sa 46% mula sa 45% ang kanyang performance rating, habang nanatili sa 36% ang porsiyento ng mga hindi nasisiyahan sa kaniyang ginagawa.

"These small gains are within the margin of error and do not yet amount to a recovery," ayon sa OCTA.

Idinagdag nito na bumaba ang performance rating ni Duterte sa dalawang magkasunod na quarter, mula 54% noong Disyembre 2025, naging 50% noong Marso at 45% noong Hulyo 2026.

Samantala, bumaba nang walong puntos ang kaniyang trust rating mula Marso hanggang Hulyo, mula 55% patungong 47%.

"Her September ratings remain just above the series lows recorded in July," ayon sa OCTA.

"Beneath the steady national figures, her trust rose by 12 points in NCR and 8 points in the Visayas, but fell by 7 points in Class ABC and 11 points in Class E," dagdag nito.

Ipinakita rin ng survey na nananatiling mataas ang ratings ni Duterte sa Mindanao, kung saan nakakuha siya ng 94% trust rating at 88% performance rating.

Nananatili rin siyang may majority ratings sa Visayas, na may 66% trust rating at 60% performance rating.

Gayunman, mas mababa ang kaniyang ratings sa NCR, kung saan nakakuha siya ng 40% trust rating at 24% satisfaction rating, gayundin sa Balance Luzon, na kapwa 25% ang kanyang ratings sa dalawang sukatan.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult Filipino mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 4, 2026.

Mayroon itong ±3% margin of error sa 95% confidence level. Samantala, ang mga pagtataya sa bawat rehiyon na saklaw ng survey ay may ±6% margin of error para sa NCR, Balance Luzon, Visayas at Mindanao, sa 95% confidence level. —FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.