InquirerPanelo faces Senate impeachment court show-cause order over bias claimsPunchFG unveils national grid video challenge for studentsCNN TürkCourier Blackline yola çıktıDaily MaverickTaiwan tells Meta thousands of China-linked accounts seek to influence electionsThe Jerusalem PostIsrael Police uncover buried stash of IDF artillery shell fuses, ammunition in northern villageSky TG24L’Era Glaciale: Punto di Ebollizione, il trailer del filmBollywood HungamaMohitt Maalik to play antagonist opposite Tiger Shroff in spiritual action film VajrCNN بالعربية"أنثروبيك" تحطم الرقم القياسي لأكبر طرح عام أولي في التاريخ.. وأرامكو ضمن الخمسة الكبار3DNewsИнсайдер раскрыл, когда и где покажут многострадальный ремейк Star Wars: Knights of the Old RepublicZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFالشرقبولندا تحقق في انتهاك محتمل لمجالها الجوي خلال هجوم روسي على أوكرانياThe South African · LifestyleRare black springbok born months after death of beloved Siya
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, November 20, 2026

Pakikipag-meet up ng isang lalaki sa babaeng nakilala niya online, nauwi sa holdap

Translate

Sa halip na babae, apat na umano’y holdaper na lalaki ang nakaharap ng isang lalaking biktima sa meeting place nila sa Cubao, Quezon City. Ayon sa pulisya, may nakilala online ang biktima na isang babae na pumayag makipagkita at makipag-inuman sa kaniya.

Sa ulat ni James Agustin sa GTV News Balitanghali nitong Biyernes, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na dumating ang 31-anyos na biktima sa meeting place nila ng kaniyang ka-chat na babae sa Barangay San Roque sa Cubao.

Pero sa halip na babae, apat na lalaki ang dumating sa lugar at tinutukan siya ng baril na nalaman kinalaunan na replika o laruan. May dala rin umanong patalim ang ibang suspek.

Kinuha ng mga suspek ang gamit at motorsiklo ng biktima.

Nagkataon naman na may mga pulis na dumaan sa lugar ng insidente at napansin nila ang komosyon sa mga suspek at biktima.

Ayon sa pulisya, nang lumapit ang mga awtoridad, kaagad na tumakas ang isang suspek gamit ang motorsiklo ng biktima. Naaresto naman ang tatlo nitong kasama.

Nabawi mula sa mga suspek ang mga gamit ng biktima, kabilang ang dalawang cellphone at P500 na cash.

Nakuha rin sa kanila ang laruang baril, isang improvise o sumpak na baril, at mga patalim.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na magkakapitbahay ang mga suspek at dati nang nakulong sa kasong ilegal na droga at illegal possession of firearms.

Tumangging magsalita ang isang suspek, habang iginiit naman ng dalawa na inosente sila.

Hindi raw sa kanila ang nakuhang mga baril at patalim, at naglalakad lang sila sa lugar papunta sa kaibigan nang mangyari ang insidente.

Patuloy namang hinahanap ang nakatakas na suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa reklamong robbery at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nagpaalala naman ang kapulisan sa publiko na mag-ingat sa mga taong nakikilala nila online. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.