Pahinante, patay nang tumilapon at magulungan ng sinasakyan niyang truck sa Quezon

Isang pahinante ang nasawi matapos siyang tumilapon mula sa sinasakyang truck at magulungan pa nito sa Sariaya, Quezon.
Batay sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ng pulisya na sakay ng truck ang biktima nang mawalan umano ng kontrol ang driver at sumalpok ito sa gutter at poste ng ilaw.
Tumilapon at nahulog ang pahinante mula sa truck sa lakas ng pagkakabangga at nagulungan pa.
Idineklara ang biktima na dead on arrival sa ospital.
Sinabi ng driver na may biglang sumingit na kotse kaya siya nawalan ng kontrol sa
manibela.
Nasa kustodiya ng Sariaya Police ang driver habang inihahanda ang reklamo laban sa kaniya.
Wala pang pahayag ang kaanak ng nasawing pahinante, ayon sa ulat. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.