Daily MaverickFUEL SHOCK: Why we could not avoid petrol pump prices shooting up above R30 per litreESPN DeportesSelección Mexicana protege a Gilberto Mora ante ofertas europeasESPNIs Bijan Robinson the NFL's best running back? He is when he's in primetimeThe Jerusalem PostGerald Posner analyzes whether Hamas actions on October 7 meets the legal standard for genocideBollywood HungamaSCOOP: RN Kao, Gadadhari Bheem, Radha Krishna, & Kartik Aaryan's next: Karan Johar expands theatrical slate for 2028RTP Desporto18h30 Cristiano Ronaldo regressaVarietySlayyyter to Release ‘Brother Album’ to ‘Wor$t Girl in America’: ‘Wor$t Man in America’Collider‘KPop Demon Hunters’ Is Officially Returning in a Brand-New WayDeadlineEmmy Winner Habiba Nosheen Flexes With ‘The Gymnasts Of Fishermen Colony,’ Inspiring Film From EPs Mariska Hargitay, Trish Adlesic, Malala YousafzaiThe Hollywood ReporterCAA Hires Top NFL Executive as Chief Operating OfficerAnime News NetworkYoung Magazine USA Special Gets 2nd IssueZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-Nachrichtenstudio
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, October 5, 2026

ALAMIN: Disgraya sa school event na may napahamak na mga estudyante, sino ang may pananagutan?

Translate

Nauwi sa kalungkutan ang isang masayang fun run event sa isang paaralan kamakailan sa Cauayan City, Isabela nang makuryente ang ilang mag-aaral sa bubble party, na naging dahilan ng pagkasawi ng dalawa sa kanila. Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol sa mga ganitong sakuna? Alamin.

Sa segment na “Ask Atty. Gaby Concepcion” ng Unang Hirit nitong Lunes, sinabing bukod sa dalawang mag-aaral na edad pito at walo na nasawi, ilang estudyante rin ang nasaktan matapos makuryente.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga biktima ay naglalaro sa bahagi ng malalaking bula nang magkaroon ng electrical short circuit o grounding. Kaya tinitingnan ng pulisya ang kalidad ng extension wire na ginamit sa mga makina na naging sanhi ng pagkakuryente.

Sinabi ni Atty. Gabby sa ganitong sitwasyon, may legal na responsibilidad ang paaralan na siguraduhin ang kaligtasan ng mga estudyante habang nasa ilalim sila ng kanilang supervision, instruction, at custody.

Hindi na umano kailangan pa na magpirmahan at magkaroon ng kontrata sa pagitan ng paaralan at ng mga magulang kapag in-enrol nila ang mga anak nila.

“As usual, ang mga issue na katulad nito ay umiinog sa issue ng kapabayaan at kung nag-exercise ba ang paaralan ng required na degree of diligence,” dagdag niya. “Sa pangyayaring ito – tubig at kuryente-- parang obvious naman na hindi magandang kombinasyon ang dalawang ito, lalo na kung maraming mga bata ang nasa vicinity.”

Sinabi ni Atty. Gaby na dapat na nagkaroon na karampatang pag-iingat ang mga guro, administrador, empleyado at third party contractors ng paaralan kung mayroon man.

Idinagdag niya na as general rule, sa ilalim ng Article 218 ng Family Code na ang mga paaralan ay nag-eexercise ng special parental responsibility at authority sa mga bata habang ang mga ito ay nasa kanilang kustodiya.

“Once na iniwan ng mga magulang ang mga anak nila sa gate ng paaralan, ang expectation natin ay aalagan nila ang mga anak natin na tulad ng pag-aalaga natin sa sarili nating mga anak. Kaya sa ganitong kaso, mahalagang tingnan kung may mga safety measure ba na ipinatupad bago at habang isinasagawa ang event,” patuloy ng abogado.

Ginawa niyang halimbawa na kung ligtas ba ang mga gamit at electrical connection, nasuri ba ang mga equipment, may sapat bang supervision, at may mga precautionary measure ba para sa mga bata.

Patuloy pa ni Atty. Gaby, mayroon nang naging mga desisyon noon ang Korte Suprema na nagsasabing na kung alam ng school na may potential risk ang isang activity pero hindi ito naglagay ng kailangang safety measures o protective measures, talagang maaaring maging batayan iyan para sa pagtukoy ng negligence o pagpapabaya ng isang paaralan, na magiging kaso para sa pagbayad ng danyos para sa mga naging biktima.

“Kaya't malaki talaga ang responsibilidad ng ating mga paaralan – hindi lamang na turuan ang ating mga anak – ngunit kasama na ang paniniguro ng safety ng mga ito. At sa mga pagkakataon na ang isang menor de edad ay nasaktan o namatay habang nasa paaralan, nalilipat ang responsibilidad sa paaralan na ipakita na hindi sila nagkulang, nasa kanila na ang burden of proof na patunayan na hindi sila naging pabaya, under the circumstances,” sabi ni Atty. Gaby.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.