Rider, patay nang atakihin umano sa puso habang bumibiyahe sa Ilocos Norte

Isang 36-anyos na rider ang nasawi matapos siyang maaksidente dahil sa atake sa puso habang nagmomotorsiklo sa Laoag, Ilocos Norte.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na tinatahak ng rider ang bypass road sa Barangay Tangid nang mangyari ang insidente.
Nawalan ng balanse ang rider at bigla na lamang bumaligtad sa kalsada. Hindi na siya umabot nang buhay nang madala sa ospital.
Wala namang ibang taong nadamay sa nangyaring aksidente sa rider.
Kinumpirma naman ng kaniyang mga kaanak na may iniindang sakit sa puso ang biktima. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.