The Jerusalem PostWhy Libya’s embrace of Turkey’s maritime deal reshapes the Mediterranean alignment - analysisInquirerGatchalian: Senate will comply with SC ruling on budgets’ unconstitutionalityESPNSoccer's main characters after UCL Matchday 3: Kane, Van Dijk, El ClasicoESPN DeportesCómo las Dream dominaron el J3 vs. ValkyriesRTP DesportoHelsínquia vai acolher Campeonatos da Europa de atletismo pela quarta vez em 2030Bollywood HungamaRs. 549 cr. in JUST 7 DAYS! Rajinikanth’s Jailer 2 rewrites Tamil cinema HISTORY; sets an UNBEATEN first-week recordZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFHipertextualApple ya trabaja en el iPhone Duo 2 para resolver la mayor carencia del modelo originalPremium TimesCost of Living: Abiodun to cut food prices, expand bus fleetCNETAmericans Say Rising Utility Costs Are Straining Their Budgets. They’re Blaming Data CenterstazEU-Erweiterung: Wartesaal mit WegzehrungEuronewsFamilies of missing Azerbaijanis call for support from European institutions
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 22, 2026

Negosyong Texas BBQ na mula sa US na dinala sa Pilipinas, paldo sa kita

Translate

Patok sa mga customer ang Texas barbecue sa Amerika dahil sa pagiging juicy at smoky matapos pausukan ng 16 na oras. Sa Pilipinas, matitikman na rin ito sa murang halaga.

Sa nakaraang episode ng Pera Paraan, itinampok ang negosyong Texas Barbecue ni Edgar Ambulo sa Silang, Cavite.

Bago nito, taong 2017 nang mag-migrate si Edgar sa Amerika, at nakita at nasubukan ang tunay na Texas barbecue. Nakahiligan na rin nilang magkakapatid na iluto ito.

Pagkalipas ng limang taon, nagbalikbayan si Edgar at pinili na manirahan na lang ulit sa Pilipinas, at magtayo ng negosyo.

“Malayo, mabigat ang mga trabaho ko sa Amerika, talagang per hour doon. Kahit libre na nga ako ng utol ko sa kotse at saka sa bahay, kulang pa din eh. Sa bills, wala akong binabayaran, kulang at kulang pa rin eh. Kaya sabi ko, balik na lang ako dito sa Pilipinas,” kuwento niya.

Negosyo sa Pilipinas

Sa pagnenegosyo ng Texas barbecue, gumagamit si Edgar ng short plate o beef belly, na mura sa Pilipinas, kumpara sa brisket o dibdib ng baka na karaniwang ginagamit. Asin at paminta lang ang gamit niyang pampalasa.

Tinatawag ding Dalmatian rub ang classic Texas style barbecue seasoning na ito gaya ng sa black and white na kulay ng Dalmatian na aso.

Gumagamit si Edgar ng mustard sauce para mas kumapit ang asin at paminta.

Saka isasalansan ang karne sa kanilang ginawang pugon, na base sa tradisyonal na lutuan ng mga taga-Texas sa Amerika mula pa noong 1920s.

Kaya nitong maglaman ng 90 kilos na karne ng baka.

Para naman sa kahoy, gumagamit siya ng puno ng Kakawate o Madre Cacao, na nagtatagal ang baga.

Indirect smoking ang tawag sa paraan ng kaniyang pagpapausok, kung saan nakahiwalay ang source ng usok para sa karne. Dahan-dahang maluluto ang karne sa loob ng 12 hanggang 16 oras.

“Tinutunaw niya 'yung cartilage, ‘yun 'yung para unti-unti siyang natutunaw, 'yung mga parang fats ‘yun. 'yung fats na ‘yun, sasama sa meat, kaya nagiging juicy, tsaka nagiging masarap, nagiging malambot,” paliwanag ni Edgar.

Ang kaniyang kita, umaabot na sa five digits kada buwan

Halagang P270 ang isang rice meal ng kaniyang Texas BBQ, na may kasama nang coleslaw at sauce.

“Sa una lang mahirap. ‘Pag nagtagal ay pahirap na nang pahirap,” biro niya. “'Yung ibig sabihin ng pahirap na nang pahirap ganito na marami na ikaw lulutuin, marami ka nang ima-manage. Hindi naman mahirap na 'yung responsibility na, 'yung dumadami na rin tauhan ko, kinakailangan mo na rin silang alagaan. Dapat mahaba pasensiya mo.” – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.