The Jerusalem PostWATCH: Jewish pro-Trump activist assaulted, threatened with death at Michigan universityInquirerMNLF-Sema faction denies sheltering Bato dela RosaPunchPolice recover AK-47, car after Ogun robberyDaily MaverickBENT COP: Cape Town cop convicted of murder, supplying intelligence to the 28s Mobsters gangХабрОдна фраза тимлида в промпте срезала оценку задач на пятую частьZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioNumeramaPortal : le préquel annulé de Valve refait surface et devient jouable 20 ans plus tard7sur7Nouvelles révélations sur Infantino: la FIFA aurait payé des millions d’euros d’impôts de son présidentRFILes États-Unis envisagent d'expulser des réfugiés vers l'Afghanistan via le PakistanESPN CricinfoHarshit Rana picked in India A squad for Rising Stars Asia CupCBS NewsIs pet insurance worth it? This is the honest math owners should know.BBC News BrasilSem remédios e sob ataques: a realidade das crianças em Gaza que tentam sobreviver após cessar-fogo
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, November 2, 2026

Pagpapakita ng isang misteryosong bata, kabilang sa mga kababalaghang nagaganap sa Teachers' Camp ng Baguio City?

Translate

Sa loob ng mahigit isang siglo, bukas ang Teachers’ Camp sa Baguio para sa mga bisitang guro, estudyante, at maging mga turista. Pero hindi lang yata ang mga kawani sa naturang camp ang handang tumanggap sa kanila, kung hindi maging ang mga kakaibang nilalang gaya ng isang batang nakuhanan sa video ngunit hindi basta makikita ng ordinaryong mga mata.

Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho’s Gabi ng Lagim XIV, ibinahagi ng ilang bisita at residente sa camp ang umano'y mga nakakakilabot nilang karanasan sa lugar.

Bata sa video

Noong 2019, dumalo sina Arjay Leano at Timothy Ada sa isang pambansang komperensiya para sa mga high school student sa Teachers’ Camp na tumagal ng pitong araw.

Habang abala sa isang aktibidad ang iba pang estudyante, bumalik ang dalawa sa kanilang kuwarto sa Quirino Hall kasama ang isang kaibigang mag-e-edit sana ng video.

Ayon sa kanila, sinundan sila ng ilan pa nilang kaibigan na paulit-ulit na kumatok sa kanilang pinto. Gayunman, hindi nila pinagbubuksan ang mga ito.

Nang tumigil na ang pagkatok, lumabas si Arjay upang tingnan kung naroon pa ang kanilang mga kaibigan. Ngunit nang lingunin niya ang mga kuwarto, wala siyang nakitang tao sa pasilyo.

Ngunit ang nakakakilabot, bagaman walang nakita si Arjay, malinaw namang nakuhanan sa camera ng cellphone ni Timothy ang isang maliit na tila bata ang mabilis na tumawid sa pintuan.

Inilarawan ni Timothy ang nakita niya na isang bata na may taas na humigit-kumulang tatlong talampakan, may buhok ngunit walang makitang mga mata.

Sinabi ng dalawa na wala silang kasamang bata o sino man sa grupo sa komperensiya. Hindi rin umano sila nakarinig ng mga yabag kahit gawa sa kahoy ang sahig na karaniwang lumilikha ng tunog kapag may naglalakad dito.

Dahil sa labis na takot sa nangyari, pinagtabi umano nila ang magkakahiwalay nilang mga kama kapag matutulog na.

Iba pang paramdam

Nakaranas din ng ilang nakapangingilabot na pangyayari si Malou Alacquiao, na nanirahan sa loob ng Teachers’ Camp sa loob ng anim na taon.

Ayon sa kaniya, madalas siyang makaramdam ng kakaiba sa tuwing dumaraan siya sa pagitan ng Benitez Hall at Abada Hall, partikular malapit sa isang pine tree na karaniwang dinaraanan nilang mga residente.

Ilang beses din umano niyang nakita ang isang babaeng nakaputi na sumisilip sa bintana ng isang cottage.

Isa sa mga pinaka-nakakatakot niyang karanasan ay nangyari noong 2022 habang naglalakad siya pauwi kasama ang kaniyang mga anak at isang kaibigan matapos dumalo sa Panagbenga.

Nang madaanan niya ang pine tree, nakaramdam umano siya ng malamig na bagay na dumampi sa kaniyang likod, na para bang may yumakap sa kaniya.

Nang lingunin niya ito, nakita umano niya ang isang maitim at walang mukhang nilalang na may taas na tinatayang apat na talampakan.

Ayon kay Malou, nakita rin ng kaniyang kaibigan ang nasabing nilalang na tila sumusunod sa kanila hanggang makarating sila sa kanilang bahay.

Dahil sa takot, bumili siya ng asin sa kalapit na tindahan at iwinisik ito sa kaniyang katawan.

Samantala, ibinahagi rin ng security guard na si Rolando Guiyab, na 12 taon nang nagtatrabaho sa Teachers’ Camp, ang kaniyang mga karanasan habang nag-iikot sa camp tuwing gabi.

Ayon sa kaniya, may mga pagkakataong biglang bumibigat ang kaniyang katawan habang naglalakad sa ikatlong palapag ng Roxas Hall, partikular kapag hatinggabi.

Inilarawan din niya ang pakiramdam na para bang may humihila sa kaniya at pumipigil na makaalis siya sa lugar.

Nagbahagi rin ng larawan si Christian Manalastas, isang van driver na madalas bumiyahe patungong Baguio. May nakita umano sa larawan na isang babaeng nakaputi na sumisilip sa bintana ng Guest House 10.

Naalala rin ng isa sa kaniyang mga kliyente na nakarinig siya ng paulit-ulit na mga yabag sa ikalawang palapag ng Escoda Hall bandang alas-2 ng madaling-araw at pagkaraan ay tila nagtatangkang buksan ang doorknob ng kanilang kuwarto.

Sino o ano nga ba ang mga pinaniniwalang nagpaparamdam sa Teacher’s camp? Alamin sa video ng KMJS ang resulta ng ginawang pagsisiyasat ng paranormal investigator na si Ed Caluag. Panoorin. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.