Romualdez naghain ng not guilty plea sa P7.4-B kasong plunder laban sa kaniya

Naghain ng not guilty plea ang dating Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez sa P7.4 bilyon na kasong plunder na isinampa laban sa kaniya at sa tatlong iba pa kaugnay ng pagkakasangkot nila umano sa gulo sa flood control.
Ito ang inihayag ni Romualdez sa pamamagitan ng video conference mula sa kaniyang detention sa New Quezon City Jail.
Bago ang arraignment ni Romualdez, o ang proseso ng paghahain ng plea, sinabi ni Sandiganbayan Third Division chairperson at Associate Justice Karl Miranda na mas marami pang persons deprived of liberty na may mas malalang kondisyong medikal kumpara kay Romualdez, na nakakulong sa Cardinal Santos Medical Center at Philippine General Hospital dahil sa mga karamdaman sa puso at utak bago siya ikinulong sa kaniyang selda.
Nasa infirmary pa rin ng New Quezon City jail si Romualdez. —Jamil Santos/ VAL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.