Rider, patay matapos bumangga sa nakaparadang truck sa Binalonan, Pangasinan

Nasawi ang isang motorcycle rider matapos siyang bumangga sa isang nakaparadang truck sa gilid ng daan sa Binalonan, Pangasinan.
Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na pumarada ang driver ng truck sa gilid ng national highway para sana magpahinga.
Isinugod naman sa ospital ang biktima subalit hindi na siya umabot nang buhay dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring insidente.
Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang kaanak ng rider at ang driver ng truck, ayon sa ulat. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.