Arra San Agustin, Liezel Lopez at Analyn Barro, kabilang sa bagong henerasyon ng FHM girls

Masaya at hindi makapaniwala sina Arra San Agustin, Liezel Lopez, at Analyn Barro na maging bahagi ng bagong henerasyon ng FHM girls.
Sa kanilang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda" inihayag ni Analyn ang kaniyang pasasalamat na maging parte ng sikat na men's lifestyle magazine.
"Actually parang naiiyak nga ako. Kasi sabi ko, we've come a long way. Dati kumakain lang tayo diyan sa mga ano after workshop. Ngayon nandito na tayo," sabi niya.
"Tapos Tito Boy, dati pinangarap lang namin ito. Tapos ngayon, hanggang ngayon andito pa rin tayo mga sisters," sabi niya kina Arra at Liezel.
Natanong ang tatlo ni Tito Boy kung paano nila hinaharap ang "big deal" na mapabilang sa FHM.
"For me its art. It's embracing your femininity. Being confident in your own skin po Tito Boy. Kaya noong sinabi po sa akin na kasama ako sa FHM, oh my god, halos lahat ng pinakamagandang babae sa Pilipinas, naging cover ng FHM and I'm part of it," ani Liezel.
"Surreal pa rin siya sa akin until now," dagdag ni Liezel.
Inilarawan ni Analyn na overwhelming ang kaniyang karanasan.
"Noong malaman ko na kasama ako, sobrang naging happy ako talaga Tito Boy. Kasi overwhelming po na kami po ay napili bilang new generation ng FHM girls," sabi niya.
Hindi naman ito ang unang beses na napasama si Arra.
"I'm still happy. I'm still so honored and super grateful na kasama ako sa mga napili. Kasi talagang pinagpilian nila 'yan eh. And FHM is an iconic magazine. For me, it's freedom to be seen by people. Meron akong freedom to express myself," sabi niya. — VDV GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.