Parking attendant, patay matapos barilin sa palengke sa Talisay, Cebu

Patay ang isang parking attendant matapos siyang barilin sa labas ng isang palengke sa Talisay City, Cebu.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Martes, sinabing nasa kaniyang puwesto ang 41-anyos na biktima sa Tabunok Public Market nang lapitan siya ng salarin at barilin.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang salarin na may suot ng bonnet at sumalakay sa motorsiklo.
Personal na alitan ang tinitingnan ng mga awtoridad bilang motibo sa krimen.
Mayroon nang person of interest ang mga awtoridad na kanilang hinahanap ngayon. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.