The Jerusalem PostPalestinian election candidate warns West Bank could ‘explode’ unless Israel releases tax fundsESPN Deportes¿Quién es el hacker que destapó el dopaje financiero del Man. City?InquirerUnhealthy air quality for sensitive groups in parts of Metro Manila – DENRRTP DesportoEm ambiente conturbado. Portugal defronta Dinamarca após saída de Cristiano RonaldoESPNJoey Porter Jr. traded: What move means for Cowboys, SteelersDaily MaverickLOCAL ELECTIONS 2026: Navigating ballots, candidates, and wards: Your guide to the 2026 local government electionsVarietyParamount, CNN Chief Mark Thompson in ‘Early Stages’ of Discussions to Keep Him in PostIl Sole 24 OreStadi e concerti, con le ondate di calore i raduni accrescono rischi e decessiRai NewsChioggia, viene rimproverato dal padre e lo ferisce con un utensile da cucina: 17enne in casermaSportstarSouth Africa World Cup 2027 Schedule: Full Fixtures, Dates, Venues and OpponentsBBC NewsBurnham's Man City comments 'completely out of touch', Tories sayCBS NewsBolivia's attorney general arrested for alleged money laundering, drug trafficking
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 1, 2026

Lethal injection, tila 'di 'tumalab' sa babaeng binitay sa Tennessee, USA?

Translate

Nakaligtas sa kamatayan ang isang babae na hinatulang mamatay sa pamamagitan ng lethal injection sa Tennessee. Nitong Miyerkoles, ipinatupad ang parusa pero isugod siya sa pagamutan sakay ng ambulansiya dahil hindi siya namatay makaraang iturok sa kaniya ang kemikal at may narinig na tila “naghihilik.”

Hinatulan ng kamatayan si Christa Pike, dahil sa pagpatay niya sa kaniyang kaklase tatlong dekada na ang nakalipas. Siya sana ang unang babae na bibitayin sa naturang estado sa US makaraan ang dalawang siglo.

Ayon sa ulat ng Reuters, hindi pa agad nabatid ang kalagayan ni Pike matapos ang insidente.

Hindi rin malinaw kung ano ang susunod na hakbang na maaaring gawin ng kaniyang mga abogado o ng estado matapos siyang dalhin sa isang medical facility mula sa Riverbend Maximum Security Institution sa Nashville.

Ipinagtanggol naman ng Tennessee Department of Correction ang naging proseso sa kontrobersyal na execution. Tinutulan ng mga abogado ni Pike at mga human rights expert ang hatol na kamatayan dahil sa edad ni Pike nang mangyari ang krimen, ang kaniyang karanasan bilang biktima ng seksuwal na pang-aabuso noong bata pa, at hindi umano nagamot na problema niya sa pag-iisip.

"The Tennessee Department of Correction followed every step of the state’s lawful, established execution protocol approved by the Attorney General’s Office," saad ng ahensiya sa pahayag.

"The lethal injection chemical in the protocol has consistently been effective, and the protocol does not allow for additional procedures beyond what was carried out this evening. Christa Pike has been transported to an off-site medical facility," dagdag nito.

Nagsampa naman ang mga abogado ni Pike ng mosyon sa federal court habang isinasagawa ang execution upang ipahinto ito.

Batay sa salaysay ng mga saksi, iniulat ng NBC News na, “executioners had injected both syringes of lethal injection chemicals and Pike is still alive and snoring.”

Noong Lunes, tinanggihan ni Tennessee Governor Bill Lee ang petisyon ni Pike para sa clemency.

Matapos ang nabigong execution, inihayag ng gobernador na sinuspinde ang lahat ng execution ngayong taon at nanawagan para sa isang komprehensibong pagsusuri ng isang independent third party sa nangyari kay Pike, ayon sa Nashville Tennessean.

Ito na ang ikalawang bigong execution sa Tennessee ngayong taon. Noong Mayo, itinigil ng mga opisyal ng bilangguan ang pagbitay sa isang lalaking nahatulan ng kamatayan dahil hindi makita ang angkop na ugat para sa lethal injection.

Isinagawa ang pagbitay kay Pike ilang oras matapos alisin ng US Supreme Court ang huling-minutong stay mula sa mababang hukuman na pumipigil sa execution. Dahil dito, nabigyan ng daan ang pagpapatupad ng parusang kamatayan kay Pike, 50-anyos, dahil sa kaniyang naging papel sa pagpapahirap at pagpatay sa 19-anyos na si Colleen Slemmer noong 1995 sa Knoxville.

Noong Enero 1995, 18-anyos si Pike nang akitin nila ng kaniyang 17-anyos na nobyong si Tadaryl Shipp, at ng isa pa, ang biktima si Slemmer, kaklase nila sa Knoxville Job Corps vocational center, na pumunta sa isang masukal na lugar.

Doon nila pinahirapan at pinatay ang biktima.

Naging malaking balita ang naturang krimen dahil sa karumal-dumal na paraan ng pagpatay sa biktima, at pagkuha pa ng mga salarin sa bahagi ng bungo ng Slemmer bilang souvenir sa kanilang ginawa.

Inamin nina Pike at Shipp ang krimen, at parehong hinatulan sa kasong first-degree murder.

Nangyari matapos ang pagturok

Inilarawan ng mga mamamahayag na nakasaksi sa tangkang execution ang paghingal, malalakas na pagbuga ng hangin, pagsinghap, at mga reklamo ni Pike tungkol sa pananakit o hindi komportableng pakiramdam sa kaniyang braso.

May mga pagkakataong isinara ang kurtina kaya mga tunog lamang ang narinig ng mga mamamahayag.

Dalawang beses ding tinawag ang mga clergy upang pumasok sa execution chamber, ayon sa kanila. Kasunod nito ay nakita ang isang ambulansiya na dumating sa bilangguan at umalis kalaunan.

Bukod sa pagiging unang babaeng sinubukang bitayin ng estado ng Tennessee sa loob ng mahigit 200 taon, si Pike rin sana ang unang tao sa makabagong panahon ng pagpapatupad ng parusang kamatayan sa US, na bibitayin sa Tennessee para sa isang krimeng ginawa noong menor de edad pa siya.

Bago nito, may ipinadalang petisyon sa gobernador na humihiling na sa halip na kamatayan, gawing habambuhay na pagkakakulong nang walang posibilidad ng parole ang parusa kay Pike. Idinetalye rito ng kaniyang mga abogado ang mga karanasan ni Pike bilang biktima ng karahasan, pagpapabaya at seksuwal na pang-aabuso noong bata pa siya, kabilang ang dalawang insidente ng panggagahasa noong 11 at 17-anyos siya.

Binanggit din nila ang mga diagnosis na natanggap niya habang nakakulong, kabilang ang bipolar disorder at post-traumatic stress disorder.

Binanggit din ng mga abogado ni Pike ang ebidensiyang malakas uminom ng alak ang kaniyang ina habang nagdadalang-tao, na maaaring nakaapekto sa pagbuo ng utak ni Pike at naging dahilan umano upang mahirapan siyang kontrolin ang kanyang mga aksyon noong bata pa siya.

Noong Agosto 2001, nahatulan din si Pike sa tangkang first-degree murder dahil sa pag-atake sa isa pang bilanggo, ayon sa Correction Department.

Bihira lamang ang execution sa mga babaeng bilanggo sa US. Ayon sa Death Penalty Information Center, 18 lamang sa 1,683 taong pinatay mula nang ibalik ng Supreme Court ang parusang kamatayan noong 1976 ang mga babae.

Bago nitong Miyerkules, 17 katao na ang naisalang sa bitayan sa Tennessee. — ulat mula sa Reuters/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.