The Daily Newsstand · Free, Always
Saturday, October 17, 2026

Holdaper na nambiktima ng menor de edad na babae sa Maynila, arestado

Translate

Timbog ang isang lalaki matapos siyang mangholdap ng isang menor de edad na babae sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Jhomer Apresto sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood na mag-isang naglalakad ang 17-anyos na si alyas “Cherry” sa Vitas Street pasado 9 p.m. ng Huwebes.

Ilang saglit pa, sinalubong siya ng isang lalaki saka puwersahang kinuha ang kaniyang cellphone.

Tinangkang habulin ng dalagita ang lalaki pero umamba ang suspek na may bubununtin sa tagiliran kaya hindi na lumapit pa ang biktima.

Batay sa pulisya, pauwi na sana si Cherry nang ma-holdap. Hindi agad nakapagsumbong sa kanila ang biktima.

Nadakip sa isang bahay sa Barangay 138 ang 27-anyos na suspek, na kinilala rin ng dalagita. Gayunman, hindi na nabawi sa kaniya ang cellphone, na naibenta na ng P500.

Batay sa Manila Police District, nasangkot din sa pagnanakaw at drugs ang suspek.

Sinabi ng kuya ng biktima na nangako sa kanila ang pamilya ng suspek na ibabalik ang cellphone ng biktima. Sa kabila nito, desidido silang magsampa ng reklamo laban sa suspek.

“Pasensiyahan po tayo, itutuloy ko talaga ito kasi hindi lang naman cellphone 'yung nawala sa kapatid ko. 'Yung mental health naapektuhan din,” sabi ng kuya ng biktima.

Umamin sa kaniyang nagawa ang suspek, na humingi ng tawad sa biktima.

Ayon sa suspek, posibleng may leukemia ang kaniyang 6-anyos na biktima at kailangan niya ng pambayad sa mga gastusin.

“Sa laboratory, mataas daw 'yung puti sa sa pula. Mahina 'yung tuhod. Kailangan mabalik 'yung ano niya para mabalik 'yung lakas niya. Patawarin niyo na lang ako, ganiyan. Kailangan ko lang ng pera din ng araw na ‘yon,” sabi ng suspek, na mahaharap sa reklamong robbery.

Hinahanap na mga awtoridad ang lalaki na nakabil sa cellphone ng biktima na posibleng maharap sa anti-fencing law. —Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.