CNN TürkTÜRKİYE - BELÇİKA MAÇI NE ZAMAN? Milli maç nerede, hangi stadyumda oynanacak? Belçika-Türkiye maçı tarihi, saati ve canlı yayın bilgileri...ESPNPadres pummel Cubs behind Tatis' leadoff blast, King's no-hit bid in Game 1PunchUS man freed after 41 years on death row as DNA clears himBollywood HungamaVimal Elaichi row: FDA commissioner says Shah Rukh Khan, Ajay Devgn, and Tiger Shroff have responded to notice; two hearings heldDaily MaverickCHANGE MAKER: Health and hope thrive in a hydroponic garden on a rooftop in HillbrowESPN DeportesRevive las emociones del día 1 de la Ronda de Comodines en MLBSözcüTürkiye'nin dev santrali iflasını istedi!The Jerusalem PostSuspected security incident on Dubai-Tel Aviv flight, authorities investigatingيورونيوزحصري: ألمانيا تحمي أجزاء من "دويتشه بورزه" من رقابة الاتحاد الأوروبيХабрКак мы создали ИИ-агент для дизайн-системыVanguardGTCO records N603bn profit, proposes N1 dividendTagesschauUkrainische Behörden melden mehrere Tote durch Angriffe auf Kiew
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, September 30, 2026

OPINION: Ask Atty. Gaby: Illegal racing

Translate

Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hay naku! Mukhang maha-high blood na naman tayo sa mapapanood natin!

Caught on cam po ang karera ng pitong tricycle sa bahagi ng Marcos Highway sa Marikina! Ang ilan sa mga sangkot, tila nag-e-exhibition pa habang humaharurot!

Sa video, kita na binabaybay ng isang sasakyan ang kahabaan ng Marcos Highway sa Marikina pasado alas dos ng madaling araw.

Nakuhanan ng dash cam ang biglang sumulpot na isang tricycle, hanggang sa sunod-sunod na ang iba pang tricycle.

Ang isa, tila nag-exhibition pa nang umangat ang side car noong ito'y mag-overtake!

Ayon sa driver at may-ari ng dash cam video, ilang kilometro ang itinakbo ng grupo ng pitong tricycle na nagkakarera sa Marcos Highway.

Pinaghahanap na ng Land Transportation Office ang mga tricycle driver na nahaharap sa patong-patong na mga paglabag.

Ang insidenteng 'yan, ating pag-uusapan. Ask me, ask Atty. Gaby!

Ano ang maaaring pananagutan sa batas ng mga tricycle driver na nahuling nag-i-illegal racing at nag-e-exhibition sa public road?

Sa kasong ito, maaaring managot ang mga driver sa ilalim ng Republic Act No. 4136, o Land Transportation and Traffic Code, under Section 48, na nagbabawal sa reckless driving o walang ingat at mapanganib na pagmamaneho na maaaring maglagay sa panganib sa ibang road users.

Bukod dito, may Marikina City Traffic Management Code, Ordinance no. 084, series of 2015, na direktang nagbabawal sa drag racing, speed contests at exhibition of speed sa mga kalsadang sakop ng lungsod, maliban kung may kaukulang permit.

Kaya kung mapapatunayang nagkarera ang mga ito, humarurot at nag-exhibition ang mga tricycle sa public road, maaari silang maharap sa multa at iba pang traffic o administrative sanctions, kabilang ang posibleng aksyon laban sa kanilang driver's license.

Ngayon pa man din na ang LTO ay masugid na nagsususpinde ng mga lisensiya dahil may kampanya talaga ito laban sa mga lumalabag sa mga batas trapiko at mga peligro sa public safety.

At talagang mga threat to public safety ang mga kumakarera na iyan – at talagang iresponsable lalo na ngayon sa panahon na ang mahal mahal ng presyo ng langis!

Tigilan na po natin ang mga gawaing walang katuturan at mga pawang peligro sa ibang tao!

Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip. Ask me, ask Atty. Gaby!

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.