PunchWhy I participated in Lagos governorship debate – HamzatThe Jerusalem PostWith both countries' elections concluded, can Israel reset its US ties? - editorialInquirerVP’s defense begins amid calls for her to testify한겨레‘줄기세포 논문조작’ 황우석, UAE 국적 취득…한국 국적 상실Ghafla“I Was 20 And Single”- Bahati Recounts Adopting Son Morgan From Mathare 15 Years AgoCNN TürkHava Durumu (09-11-2026)ZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioGIGAZINEテスラがサイバートラックの生産を段階的に縮小するとイーロン・マスクが明かすIl Fatto QuotidianoSempre più morti sul lavoro, ma i media tacciono: anche l’indignazione è selettivaSözcü9 Kasım 2026 günlük burç yorumları: Dolunay Karaca 12 burç için yorumladıCollider9 Movies That Were Notoriously Difficult To MakeThe Japan TimesPeer-support program for healthier aging gains ground in Sendai
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, November 9, 2026

[EDITORIAL] Lessons from the ‘blue wave’

Translate

[EDITORIAL] Lessons from the ‘blue wave’

Nico Villarete

Pragmatism over ideology, grassroots organizing, at economic and food stability ang nagpapanalo ng eleksiyon.

Parang storm surge ang epekto sa Pilipinas ng “blue wave” ng US Democrats kung saan inilampaso nila ang Republicans ni US President Donald Trump — nakakagulantang, at oo, nakaka-high. 

Pero simple lang ang muling pinatunayan ng outcome ng midterms: people vote with their stomachs.

Dito sa Pilipinas, nangahas na naman tayong mangarap, at hindi natin maiaalis na mangarap ang oposisyon ng isang “pink wave.”

Pero bago muling magtayo ng mga kastilyo sa buhangin, suriin muna natin ang blue wave. Hindi naman biglang na-in love ang American voters sa Democrats, lalo na’t sariwa pa sa alaala ng voters ang age-related issues at family drama ni dating pangulong si Joe Biden. Pagod na lang sila sa nagtataasang presyo ng gas at groceries, at kawalan ng magandang trabaho. At lalong pagod na sila sa foreign wars na ipinangako ni Trump noong eleksiyon na hinding-hindi niya papasukin.

Kapag taghirap, nagiging balota ang hapag-kainan.

‘Yan ang leksiyon na tila hindi natutunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bago pa naganap ang War on Iran ng Estados Unidos, runaway inflation na ang idinadaing ng mga Pilipino. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit kalahati lamang ang naipanalo ni Marcos sa slate niya noong 2025 midterms.

Ano ba ang blind spot ng oposisyon? Sabi ni Rappler columnist Joey Salgado, lagi na lang “disente” ang naratibong ibinabandera ng Liberals, at andiyan pa rin daw ang sakit na “talking down” sa mga botante. 

Kung galit ang mga pemenista sa “mansplaining,” asar ang mahihirap sa “richsplaining.”

To be clear, mahalagang bahagi ng legislative agenda ng matinong pulitiko ang panunumbalik ng respeto sa karapatang pantao, gender rights, at good governance. Pero, sadly, hindi ito ang mga isyung magdadala sa mga botante sa polling precinct. Bituka pa rin ang mangingibabaw.

At napag-uusapan din lang ang “richsplaining,” priceless ang kakayanang makinig nang buong pagpapakumbaba sa pangkaraniwang tao. Habang may oras at lugar para ipaliwanag ang mga konsepto ng kalayaan, human rights, at demokrasya, kailangan munang makinig ang pulitiko sa hinaing ng constituents niya.

The Dutertes built their political clout on relatability and the ability to speak the language of the masses. It’s also a skill that can be acquired by the pinks and liberals.

Maliban sa kapalpakan ni Trump, ‘yan din ang nagpapanalo sa US Democrats kahit na sa traditional strongholds ng Republicans: paulit-ulit nilang pinagdiinan ang “pocketbook” issues na malapit sa puso ng mga botante.

Pagkatapos ng gut issues, kailangang magbuo ang oposisyon ng base labas sa usual friends. Crucial ang alliance building, lalo na kung ang pundasyon ay gut issues at good governance. 

To recap: pragmatism over ideology, grassroots organizing, at economic and food stability ang nagpapanalo ng eleksiyon.

Makapangyarihan ang boto mo. Hindi lamang doleouts o ayuda ang dapat bitbit nito, kundi tunay na public service at tangible change. Kalsadang namimintina. Flood control na nagpapahupa ng baha at hindi nagpapayaman sa contractor at pulitiko. Police visibility at pagpuksa ng kriminalidad nang hindi nauuwi sa mass murder. Jobs creation and livelihood training. Medical clinics at free health services. Educational assistance.

‘Yan ang pinakamahalagang leksiyon ng isang electoral wave para sa unaligned majority — para sa jeepney driver na halos walang kinikita nang nagtaasan ang presyo ng krudo; para sa call center employee na madi-displace dahil sa AI technology; para sa laborer na walang trabaho dahil sa shrinkage ng construction sector.

May boses tayo. Puwede nating palitan ang nakaupo, ang kalakaran, kahit ang balanse ng kapangyarihan sa pagitan ng mayaman at mahirap. – Rappler.com

View the original on Rappler →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.