PunchEight-year-old dies, others injured in Anambra auto crashThe Jerusalem PostJewish settler extremists torch Palestinian homes, livestock shelters in West Bank attack - reportBollywood HungamaSunny Leone-Rahul Dev’s Chudail lands in rights ROW; Ganesh Jain issues public notice claiming exclusive digital, TV and allied rightsInquirerSara Duterte to NBI: Make public Gracioso’s lie detector test videoDaily MaverickSHARE WITH US: Online schools in South Africa: what should parents know?UOLSe a IA responde tão rápido, o que a escola ainda precisa ensinar?ХабрОкно в свет: почему Windows названа Windows, а иконки — иконкамиZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioThe Straits TimesResale flat transactions with ‘greater complexity’ should be handled by private lawyers: HDBعالم التقنيةسلسلة تلفزيونات Redmi TV X RGB Mini LED تغير قواعد الألعاب والترفيهCapital FMKICD begins distributing Grade 11 textbooks ahead of 2027 Senior School transitionVilaWebFrancis Halzen, Nobel de física per convertir el gel del Pol Sud en una finestra a l’univers
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 6, 2026

Mga anak ng pumanaw na OFW sa sinibak sa trabaho sa HK dahil sa sakit niyang cancer, binigyan ng bahay ng Vista Land

Translate

Ipinagkaloob ng Villar-led Vista Land and Lifescapes Inc. ang isang bahay at lote sa Palawan sa limang anak ng isang overseas Filipino worker (OFW) na namatay dahil sa cancer noong 2021, ayon sa property developer nitong Martes.

Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ng Vista Land na ipinagkaloob ang bagong bahay sa Camella Palawan sa mga anak ni Baby Jane Teodoro Allas, at personal itong ibinigay ni Villar Group Chairman Manny Villar sa magkakapatid at sa kanilang lola.

Nagtrabaho sa Hong Kong si Allas upang masuportahan ang kaniyang pamilya. Pero pumanaw siya noong 2021 dahil sa mga komplikasyong dulot ng cervical cancer.

Ayon sa kompanya, hindi makatarungang tinanggal sa trabaho si Allas ng kanyang dating employer matapos siyang magkasakit.

Kalaunan, iniutos ng isang korte sa Hong Kong na bayaran siya ng humigit-kumulang P2 milyon bilang danyos. Gayunman, hindi pa rin natatanggap ng pamilya ang naturang halaga dahil nagtago umano ang employer, ayon sa Vista Land.

BASAHIN: Pinay domestic worker fired for cancer awarded damages

Dahil sa pagkamatay ng kanilang ina at hindi pa rin nabayarang danyos, nahirapan umano sa pinansyal ang mga anak at umasa lang sa tulong ng kanilang tiyahin na si Mary Anne at kanilang lola.

Sinabi ng Vista Land na ipinagkaloob ang bahay upang magkaroon ng permanenteng tahanan ang magkakapatid at bahagi ito ng kanilang mga hakbang upang matulungan ang mga pamilyang nangangailangan, lalo na ang mga pamilya ng mga migranteng manggawa.

Ayon pa sa kompanya, may mga proyekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Camella, ang pangunahing residential brand nito, bilang bahagi ng pagtugon sa pangangailangan sa pabahay ng mga pamilyang Pilipino, kabilang ang mga nasa umuusbong na komunidad sa mga rehiyon gaya ng Palawan.— FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.