Rider, patay nang sumalpok sa barrier ang sinasakyang motorsiklo sa Ilocos Norte

Isang rider ang nasawi matapos bumangga sa barrier ng kalsada sa Piddig, Ilocos Norte.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon na nasa pakurbang bahagi ng kalsada ang biktima nang maganap ang insidente.
Nagtamo ang biktima ng sugat sa iba't ibang parte ng katawan.
Naitakbo pa ang rider sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, sugatan naman ang 11 pasahero matapos sumalpok sa gilid ng kalsada ang sinasakyan nilang kolong-kolong Lal-Lo, Cagayan.
Batay sa mga awtoridad, pauwi sa bayan ng Gonzaga ang mga pasahero nang pumutok ang gulong ng kanilang sasakyan.
Rumesponde ang mga rescue at isinugod ang mga sugatang pasahero sa pagamutan. —Jamil Santos/AOL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.