Bollywood HungamaKartik Aaryan and Kabir Khan reunite for inspirational real-life story Ladaku, set to release on June 18, 2027PunchFULL LIST: Nigerian stars missing from CAF 2026 Player of the Year award shortlistThe Jerusalem PostWhy is the Islamic Republic banning the Lion and Sun emblem amid anti-regime protests? - analysisInquirer EntertainmentTony Butala, co-founder of The Lettermen known for ‘When I Fall in Love,’ dies at 87InquirerWALANG PASOK: Class suspensions on Thursday due to high heat indexZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioESPN CricinfoIndia's seamers and Kohli 74 power them to 1-0 lead in rain-hit matchCollider'Game of Thrones' Star's Return to the Fantasy Genre Is Officially a Box Office WinnerIl Fatto QuotidianoÉ morto Tinto Brass, addio al regista simbolo del cinema erotico italianoCBS NewsDemocrats score major upsets and take control of SenateESPNRoman Reigns can continue unbeaten year with a win at Crown JewelNotJustOkFull list of nominees for the 2026 CAF Awards
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, November 4, 2026

Mayorya sa US Congress, naagaw ng Democrats mula sa Republicans ni Trump

Translate

Makukuha ng Democrats ang mayorya ng upuan sa Senado at maging sa Kamara de Representantes matapos na manalo ang kanilang mga kandidato sa ginanap na mid-term elections laban sa kandidatong Republicans ni US President Donald Trump.

Patuloy pang inaalam ang lawak ng tagumpay ng mga Democrat, ngunit nagwagi na ang partido sa mga estado na dating itinuturing mahirap silang manalo, kabilang sa mga konserbatibong lugar na katulad ng South Carolina, Texas at Iowa.

Ipinakita sa malaking tagumpay ng mga Democrat ang matinding pagkadismaya ng mga botante sa pamamalakad ni Trump sa ekonomiya at sa desisyon nitong maglunsad ang digmaan laban sa Iran noong Pebrero, na naging dahilan ng biglaang pagtaas ng presyo ng langis.

Sa sunod-sunod na survey, ipinahayag ng mga botante ang kanilang pangamba sa mataas na gastusin sa pamumuhay at galit sa paraan ng pagtugon ni Trump sa mga naturang usapin.

Sa Kansas, naging kauna-unahang Democrat si Adam Hamilton, isang pastor ng megachurch, na nagwagi sa puwesto sa Senado mula pa noong Great Depression, halos isang siglo na ang nakalilipas.

Sa Ohio, nakuha ni Democrat Sherrod Brown ang puwestong dating hawak ni Vice President JD Vance, dalawang taon na ang nakalilipas. Samantala, nagtagumpay din ang Democratic state Representative ng Texas na si James Talarico laban sa Republican Attorney General na si Ken Paxton, sa kabila ng sunod-sunod na paggastos ng mga grupong sumusuporta sa kaniyang kalaban. Nahaharap si Paxton sa ilang kontrobersiya.

Parehong bumoto kay Trump ang Ohio at Texas noong 2024 sa lamang na mahigit 10 percentage points.

Sa South Carolina, na nagbigay kay Trump ng halos 18 percentage points na lamang noong 2024, nagwagi ang pediatrician na si Annie Andrews laban sa Republican Senator na si Darline Graham. Itinalaga si Graham sa puwesto matapos mamatay ang kaniyang kapatid na si Senator Lindsey Graham.

Pinaboran ni Trump sina Paxton at Graham kaysa sa mas kilalang mga kandidato, sa kabila ng mga isyung kinakaharap ng mga ito. Nasangkot si Paxton sa sunod-sunod na kontrobersiya, kabilang ang impeachment laban sa kaniya noong 2023 at mga kasong may kaugnayan sa securities fraud. Samantala, naging negatibo rin ang mga balita tungkol kay Graham dahil sa inamin nitong kakulangan ng karanasan.

Masugid na nangampanya si Trump para kina Paxton, Graham at Jon Husted ng Ohio bilang bahagi ng kaniyang huling kampanya bago ang halalan. Nagsagawa siya ng mahigit dalawang dosenang campaign rally at paulit-ulit na hinimok ang kaniyang mga tagasuporta na ituring kasama siya sa balota upang palakasin ang suporta sa kaniyang partido.

Noong Martes ng gabi, nang maging malinaw na nanganganib nang mawalan ng mayorya sa Kongreso ang mga Republican, nag-post si Trump sa social media:

"I wasn't on the Ballot and if I was, we would have won IN A LANDSLIDE! Thank you for your attention to this matter."

Sa kabuuan, anim na puwesto sa Senado na dating hawak ng mga Republican ang nakuha ng mga Democrat, kaya tiniyak nito ang kanilang mayorya kahit hindi nila mapanatili ang sarili nilang mga puwesto sa mga pinagtatalunang estado ng Michigan at Minnesota.

Inaasahan ding makokontrol ng mga Democrat ang US House of Representatives matapos makuha ang hindi bababa sa walong puwesto na dating hawak ng mga Republican sa mga estado -- kabilang ang Kentucky, New Jersey at North Carolina. Nagpakita rin sila ng malakas na suporta maging sa mga distritong matagal nang itinuturing na konserbatibo.

The party's dominance extended to other races as well. Texas Governor Greg Abbott, a three-term incumbent, lost to Democrat Gina Hinojosa, while Democrats also captured governorships in conservative Iowa and Ohio.

Umabot din sa iba pang halalan ang pamamayani ng mga Democrat. Natalo si Texas Governor Greg Abbott, na tatlong termino nang nanunungkulan, kay Democrat Gina Hinojosa. Nakuha rin ng mga Democrat ang mga puwesto sa pagka-gobernador sa mga konserbatibong estado ng Iowa at Ohio.

"In sweeping and decisive victories, the American people have rebuked the depravity, corruption and incompetence of the man named President Donald J. Trump," sabi ni incumbent Democratic Senator Jon Ossoff, na inaasahang mananalo sa Georgia, sa kanilang victory party.

Unang Muslim senator

Nagwagi naman si Democrat Abdul El-Sayed sa bakanteng puwesto sa Senado ng US na nakalaan para sa Michigan nitong Martes, batay sa mga projection ng media.

Dahil dito, siya ang magiging kauna-unahang Muslim na nahalal sa Senado habang napapanatili ng mga Democrat ang isang mahalagang puwesto sa kanilang laban upang makontrol ang Senado.

Nagsilbing malaking tagumpay para sa progresibong Democratic Party wing ang pagkapanalo ni El-Sayed sa mahigpit na pinagtatalunang halalan. Napigilan din nito ang pagkakataon ng mga Republican na maagaw ang puwestong iiwan ni Democratic Senator Gary Peters na magreretiro na.

Itinuon ni El-Sayed, 42, dating public health official, ang kaniyang kampanya sa pagpapababa ng gastusin ng mga pamilyang nagtatrabaho at pagbabawas ng impluwensiya ng malalaking korporasyon sa pulitika.

Kabilang sa kaniyang plataporma ang Medicare for All, isang programang pangkalusugan para sa lahat na popondohan ng pamahalaan at isinusulong ng mga progresibo sa kaniyang partido.— ulat mula sa Reuters/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.