Bollywood HungamaDil Raju calls Ranbir Kapoor ‘Ranveer Singh’ at Ramayana’s grand Hyderabad event; immediately apologizes: “Sorry, Ranbir Kapoor garu!”PunchUK unemployment rate drops unexpectedly to 4.7%The Jerusalem PostAttack on Australian politician follows years of threats to public figuresRTP DesportoSeleção. Cristiano Ronaldo com regresso marcado para novembroInquirerUnderwater search is on for Bukidnon man swept off bamboo raftCNN TürkEuroLeague'de Türk derbisi haftasıDaily MaverickWHAT’S COOKING: Pan-fried duck breasts with blueberry-cherry sauce and a touch of ginger beerZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFUOLPapa retoma audiência após cirurgia contra câncer no pulmãoCollider'Clayface' Director Confirms James Gunn Gave Him Complete Freedom To Reinvent GothamSouth China Morning PostEnergy shock could spark Asia’s next debt crisisThe Japan Times‘Two Cigarettes, Three Nights’ explores messy emotions and moral compromises
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 20, 2026

Kotse, nahulog mula sa ikatlong palapag ng parking building sa Marikina; driver, sugatan

Translate

Isang kotse ang nahulog mula sa ikatlong palapag ng isang multi-level pay parking building sa Barangay Santa Elena, Marikina. Ang driver ng sasakyan, nagtamo ng mga galos at bukol.

Sa ulat ni Katrina Son sa Unang Balita nitong Martes, makikitang nakasubsob ang harap habang nakahilig sa isang tagiliran ang sasakyan sa ibaba ng naturang gusali.

“Bale ang tawag po sa amin mayroon daw po nahulog na sasakyan, doon po sa parking area ng city hall sa gilid,” sabi ni Christian Perez, Chief Supervisor ng Marikina Command Center Rescue 161.

Babae ang driver ng sasakyan, na laking gulat na nangyari ang insidente.

Nakausap pa ang babae ng mga rescuer habang sinasagip mula sa loob ng nahulog niyang sasakyan.

Ayon sa driver, nanggaling pa siya sa Caloocan at may gagawin lang sa lungsod ng Marikina.

“As per doon sa driver namali siya ng apak du'n sa silinyador. Imbes na preno, naapakan daw po 'yung gasolina… Mayroon siyang mga kaunting galos, bukol pero ano naman...hindi siya totally nasaktan kasi naka-seat belt at saka gumana 'yung airbag,” sabi ni Perez.

Naiwan sa lugar ang bakas ng nahulog na kotse, gaya ng mga nayuping bakal sa gilid.

Isa ring tangke ng tubig sa ibaba ang nayupi rin matapos ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon kung paano nahulog ang sasakyan mula sa ikatlong palapag. —Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.