PunchEkiti farmers hail FG over flood relief interventionInquirerChua ‘surprised’ by VP’s PNP remark, cites family’s violent pastThe Jerusalem PostWinter Dreams 2026: The international light experience returns bigger and brighterZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioScreen RantAvengers Endgame: Encore’s New Scenes Are Worse Than Anything George Lucas Did To Star WarsRai NewsSerie A, A fine primo tempo Milan-Frosinone 2-1, segui la cronaca testuale e la radiocronacaSportstarIndia A vs Pakistan A LIVE score, Rising Stars Asia Cup 2026: IND 223/6 (40); IND-A needs 91 from 60 balls; Tilak, Shahbaz batting7sur7“Une provocation”: les objets volants tombés en Pologne étaient des missiles de croisière russesThe ConversationAir New Zealand is betting on Christchurch. But will the regions benefit as well?ESPNNBA betting roundtable: MVP picks, playoff long shots and futures worth bettingRTP DesportoFarense bate Fátima e avança para os 'oitavos' da Taça de PortugalCBS NewsTom Jackson, former Broncos star and sports broadcaster, dies at 75
The Daily Newsstand · Free, Always
Sunday, November 22, 2026

Dating party-list solon, patay sa saksak ng lalaking nanghingi umano ng barya sa Antipolo

Translate

Nasawi ang dating kinatawan ng United Movement Against Drugs party-list group na si Teodoro Lim matapos siyang saksakin ng isang parking attendant sa parking lot ng isang mall sa Antipolo City. Nag-ugat umano ang krimen dahil sa paghingi ng suspek ng barya sa biktima.

Sa ulat ni Vonne Aquino sa Super Radyo dzBB nitong Linggo, nangyari umano ang insidente noong Nobyembre 17, 2026, dakong 2:00 pm.

Makikita sa kuha ng CCTV camera na pagpasok ni Lim kaniyang sasakyan, sumunod sa kaniya ang suspek at pumasok din sa loob. Bagama't hindi nakunan ng camera ang sumunod na pangyayari, sinabi ng Antipolo City police na paulit-ulit na sinaksak ng suspek ang dating mambabatas sa loob ng sasakyan.

Nagsilbi si Lim sa 14th Congress mula 2009 hanggang 2010.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Boyet,” na nakita rin sa CCTV camera na mabilis na naglalakad palayo sa pinangyarihan ng krimen at sumakay ng tricycle.

Naaresto si Boyet ng mga awtoridad sa isang bahay sa Angono, Rizal, sa isinagawang follow-up operation.

Narekober ng pulisya ang ninakaw na wallet at cellphone ni Lim, gayundin ang mga damit na may bahid ng dugo na umano'y suot ng suspek noong mangyari ang pananaksak.

Ayon sa pulisya, nagtamo rin ng mga sugat si Boyet matapos makipagbuno kay Lim.

Sa salaysay ng suspek, humingi umano siya ng barya kay Lim pero binangga umano ng pinto ng sasakyan ang likod niya.

Sinabi ng pamilya ni Lim na wala silang alam na kaaway nito. Nagpasalamat din sila sa mga awtoridad sa mabilis na pagkakaaresto sa suspek.

Naisugod pa ni Lim ang sarili sa ospital kahit sugatan pero pumanaw siya noong Martes ng gabi.

Inalala siya ng kanyang pamilya bilang isang mapagmahal at maalagang ama at asawa. Tiniyak din nilang magsasampa sila ng kaso laban sa suspek.

Ayon sa Antipolo City Police, maaaring maharap ang suspek sa kasong homicide o robbery with homicide.--Lyjah Tiffany Bonzo/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.