The Jerusalem PostBenayahu Razi murder: Defense says evidence insufficient for murder charge against Tsarafi, HutaRTP DesportoLiga dos Campeões. FC Porto-PSVESPN DeportesWolves y McDaniels pactan 1 año y $40 millonesDaily MaverickAre we building Gqeberha with the future in mind?ESPNJalen Hurts' blood clot diagnosis explained: What it means for the QBZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioColliderStar Trek Officially Unites Kirk, Picard, Sisko, and More in Massive New Release7sur7Hernandez titulaire, Rodri forfait: les compos du choc PSG-Barça20 MinutenRätsel um Tod von Schweizer (64) im Iran: Verfahren eingestelltSportstarLiverpool vs Villarreal, UEFA Champions League 2026-27 LIVE updates: Gakpo returns for Reds; live commentary, score updatestazNeuer Landtag von Mecklenburg-Vorpommern: Schwerin wählt nach PlanRMF24„Zasłona dymna”. Poseł koalicji rządzącej o sporze wokół TK
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 20, 2026

Nobyo, 'di sinukuan ang nobyang nagka-amnesia matapos maaksidente kahit 'di na siya kilala ng dalaga

Translate

Trahedya ang sinapit ng isang 20-anyos na babae, na nagka-amnesia matapos maaksidente sa kalsada. Kabilang sa kaniyang hindi maalala, ang kaniyang nobyo. Ngunit ang binata, hindi sumusuko na maipaalala sa kasintahan ang kanilang pagmamahalan.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” ipinakilala ang magkasintahang sina Teffanie “Tintin” Jane Amora at Mac Collin Ferro, na pitong buwan nang magkarelasyon pero marami nang alaala na pinagsaluhan.

Paborito nila mag-date sa tabing dagat. Si Macmac pa ang nagsilbing escort ni Tintin nang sumali ang dalaga sa Mutya ng Poblacion 2026, na nag-first runner-up.

Dahil na rin sa suporta ng nobyo, natapos ni Tintin ang kaniyang training na isa sa mga requirement para maabot ang dream job nila ni Macmac na makapagtrabaho sa barko.

Unang nagtagpo sina Tintin at Macmac nitong Enero.

“‘Pag unang kita ko sa kaniya, nabighani niya agad ako. Parang hindi na ako nakanood ng basketball, sa kaniya lang ako nanonood. Pagkatapos ng laro, nagtanong ako sa kaibigan, anong Facebook niya? I-add ko. Noong nakita ko, in-accept niya ako, kinilig ako. Tapos 'yun, nagka-chat na kami,” kuwento ng binata.

Hanggang sa naglakas-loob na si Macmac na ayain ang dalaga na makipag-date. At matapos ang dalawang buwan na panliligaw, nakuha ng binata noong Marso 17 ang matamis na oo ng dalaga.

Away bago ang aksidente

Noong gabi bago maaksidente si Tintin, nag-away sila ni Macmac, nang sumama ang dalaga na maligo sa isang victory party.

Hindi komportable si Macmac na pumunta si Tintin sa victory party dahil naroon ang kaklase ng dalaga na minsan nang naging mitsa ng kanilang pag-aaway.

“Hindi kami okay kasi nagselos ako sa classmate niya. Nagsabi ako sa kaniya na ‘Chat mo lang ako ‘pag nasa terminal ka na para sabay tayo uuwi.’ Yun lang 'yung huling message ko sa kaniya,” sabi ni Macmac.

Aksidente ni Tintin

Hanggang sa Agosto 22 nang dumaan ang malaking pagsubok sa kanilang relasyon.

Bandang 3 a.m. nang umuwi na si Tintin na mag-isa. Ngunit naiwan niya ang kaniyang cellphone sa sinakyan niyang bus.

Nakita sa CCTV footage na patawid sana si Tintin ng kalsada nang masalpok siya ng isang humaharurot na motorsiklo.

Nabungi ang kaniyang harapang ngipin, nabali ang kaniyang kanang binti at halos lumabas pa ang buto.

Lumabas sa diagnosis ng ospital na nagkaroon si Tintin ng traumatic brain injury, kaya nabura ang kaniyang alaala o nagka-amnesia.

Dahil dito, hindi na rin niya nakilala si Macmac.

“Pagpunta ko sa hospital, nakita ko siya na nakahiga na, walang malay,” sabi ni Macmac.

“Hindi na magising kahit anong gising ko, nag-ano lang siya 'yung humihilik,” sabi ni Hanna.

“Mabigat sa akin 'yung night na ‘yun na nagselos ako sa classmate niya, kung nasundo ko siya, hindi siya maaaksidente noong time na 'yun,” anang binata.

Makaraan ang tatlong araw, nagkamalay na si Tintin.

Patuloy na nagpapagaling si Tintin sa kanilang bahay sa Carmen, Agusan del Norte. Araw-araw siyang dinadalaw at inaalagaan ni Macmac sa nakaraang dalawang buwan.

Ipagdiwang ni Tintin ang kaniyang ika-20 kaarawan nitong Setyembre 17, na sinorpresa ni Macmac. Pero hindi inaasahan ni Macmac na tinanggihan ni Tintin ang sorpresa.

“Mahirap kasi hindi niya akong maalala. Kahit pinu-push ko sa kaniya na maalala niya ako. Tinatawag niya ako na papa. Minsan naman 'yung ex niya dati. Nagselos din ako konti lang, pero naintindihan ko 'yung sitwasyon niya kasi na-amnesia siya,” ani Macmac.

Noong mga unang linggo matapos ang aksidente, hindi nakakausap nang maayos si Tintin ng kaniyang pamilya.

“Hindi niya na kami kilala tapos akala niya nurse ako,” sabi ni Hanna Amora, nanay ni Tintin.

Matapos ma-discharge sa ospital, may mga pagkakataon pang bigla-bigla na lamang tumatakas sa kuwarto si Tintin. Mabilis din siyang magalit.

Sa pag-asang bumalik ang mga alaala ng dalaga, lagi ipinapakita sa kaniya nina Macmac at ng kaniyang ina ang kanilang mga litrato.

Sa araw-araw na pagbabantay ni Macmac, unti-unti nang gumagaan ang loob ng dalaga sa kaniya.

“Kahit nakakalimutan ko 'yung pangalan niya, kahit magagalit ako, grateful din ako kasi tinutulungan din niya ako,” sabi ni Teffanie.

“Kapag nakikita ko siya, masaya ako. Bumabalik 'yung pag-love ko sa kaniya,” dagdag pa ng dalaga.

Tunghayan sa KMJS ang matamis na pagpapasyal ni Macmac kay Tintin sa pantalan sa tabi ng dagat kung saan din sila madalas mag-date noon, at ang pagpapakita niya ng mga litrato sa pag-asang maalala nito ang kanilang first date. Panoorin. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.