4 katao na nakasilong sa waiting shed, sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Antique

Sugatan ang apat katao na nakasilong sa waiting shed nang tamaan sila ng kidlat sa Sibalom, Antique.
Sa ulat ng GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Maasin nitong Miyerkoles ng tanghali.
Sa imbestigasyon ng pulisya, malakas ang ulan nang magpasya ang tatlong lalaki at isang babae na sumilong sa waiting shed nang bigla silang tamaan ng kidlat.
Isinugod sila sa ospital na nagtamo ng mga paso sa katawan pero maayos na ang kalagayan.
Hindi naman pinalad ang isang 70-anyos na magsasaka na nasawi matapos na tamaan din ng kidlat sa bayan naman ng Valderrama sa Antique noong Lunes ng hapon. -- FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.