Delivery rider, sugatan nang pumulupot sa kaniyang gulong ang nakahambalang na kawad sa Rizal
_2026_11_14_23_33_19.jpg)
Nagtamo ng mga sugat ang isang food delivery rider matapos siyang matumba nang pumulupot sa gulong ng motor ang wire na nasa kalsada sa Antipolo, Rizal.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood sa dash cam video na natumba ang delivery rider sa madilim na bahagi ng kalsada.
Sinabi ng may-ari ng dashcam video na inakala nila noong una na nalubak ang rider.
Kasalukuyang nagpapagaling ang rider matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.
Nanawagan ang pamilya ng rider na maayos ang wire at mapailawan ang lugar. —Jamil Santos/VBL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.