Negosyante, patay nang barilin sa labas ng kaniyang motor shop sa Malabon
_2026_10_20_14_25_57.jpg)
Isang 35 anyos na lalaking negosyante ang nasawi matapos siyang barilin sa ulo sa labas ng kaniyang motor shop sa Barangay Longos, Caloocan.
Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes, sinabing naganap ang pamamaril bago mag 11 p.m. ng Lunes.
Nakarinig ang mga residente ng dalawang putok ng baril.
Lumabas sila, at namataang wala nang buhay ang biktima.
Lumabas sa imbestigasyon na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima.
Nananatiling palaisipan sa mga kaanak ang motibo sa pamamaril.
Nagsasagawa na ang pulisya ng backtracking sa mga posibleng kuha ng CCTV para matukoy ang mga salarin.
Tumanggi muna ang Malabon Police na magbigay ng pahayag habang patuloy ang imbestigasyon. —Jamil Santos/VBL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.