Binatilyo, nawasak ang kamay matapos masabugan ng pulbura na binili niya online

Isang 15-anyos na binatilyo ang nawasak ang isang kamay matapos masabugan ng pulbura na kaniyang binili online sa Iloilo City.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Miyerkoles, isinalaysay ng tiyahin ng biktima na nakarinig sila nang malakas na pagsabog hanggang sa makita nila ang pamangkin na duguan.
Isinilid umano ng binatilyo ang pulbura sa plastic bottle bago ito sumabog.
Sumailalim sa operasyon ang binatilyo at nasa mabuti nang kalagayan.
Inaalam pa kung bakit naisip ng binatilyo na bumili ng pulbura.—Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.