26-anyos na lalaki, nalunod sa Towing Falls sa Sablan, Benguet

Nasawi ang isang 26-anyos na lalaki matapos siyang malunod sa Towing Falls sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sablan, Benguet nitong Huwebes.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing napag-alaman na residente ng Baguio City ang biktima.
Nauna na umanong binalaan ng kasama ang biktima na huwag pumunta sa malalim na bahagi ng talon.
Subalit hindi umano namalayan ng mga kasama na napunta ang biktima sa malalim na bahagi ng talon at nangyari na ang trahediya.
Inabot din umano ng mahigit isang oras ang ginagawang paghanap sa lalaki bago siya nakita pero wala nang buhay.
Dahil sa insidente, pansamantalang isinara sa publiko ang talon.
Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang mga kaanak ng nasawi, ayon sa ulat.—FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.