The Jerusalem PostTargeted killing of Hamas officials 'makes it easier for soldiers on front lines,' says IDF officerBollywood HungamaBREAKING: Yeh Prem Mol Liya is a RARE Sooraj Barjatya film to get U/A rating; is the third longest film of the blockbuster directorPunchADC rejects claim it sponsored attack on Tinubu’s convoyInquirerGatchalian warns about minors’ gun access after foiled school shootingSoompiShin Min Ah And Lee Jong Suk Share Tender Moments As Ju Ji Hoon And Lee Se Young Face Crisis In “The Remarried Empress”ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDF20 MinutenZinswende naht: So stark steigen die Mieten und HypothekarzinsenAntara NewsIndonesia elected co-chair of culture-based climate action coalitionGhaflaZimbabweans Question Missing Black Box in Fatal Helicopter Crash as Report Sparks OutrageThe Sydney Morning HeraldVladimir Putin to meet Anthony Albanese and Donald Trump at summitRTL BoulevardS10 stapt uit comfortzone met Engelstalige metalsongynet ספורטתחקיר מטלטל: מיליוני ספורטאים צעירים צרכו חומרים אסורים, חלקם שילמו בחייהם
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, November 18, 2026

Riding-in-tandem sa pamamaril sa isang babae sa Taguig, nadakip

Translate

Sa kulungan ang bagsak ng riding-in-tandem sa pamamaril sa isang babae na ikinasawi nito sa Barangay Lower Bicutan sa Taguig.

Sa ulat ni Bam Alegre sa "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing naganap ang pamamaril sa 36-anyos na babae sa nasabing barangay gabi ng Lunes, Nobyembre 16.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril.

“Pinasok po nila ang bahay ng biktima po at... namatay po ang isang babae po, ang kanilang nabaril po. Then ‘yung kinakasama po ng ating biktima ay nakalabas po at nakatakas po, tumalon po ito sa bintana. Then nagpunta po sa mga barangay at itong barangay naman po tumawag naman po ng ating kapulisan,” ayon kay Police Captain Jowel Golimlim, hepe ng Public Information Office ng Taguig City Police Station.

Nahanap ng pulisya ang bahay ng isa sa mga suspek kung saan dumiretso ang riding in tandem umaga ng Martes.

Nadatnan ng pulisya na nag-iinuman ang mga suspek. Hindi na sila pumalag nang hulihin.

Samantala, tinatangka rin nilang palitan ng kulay ang kanilang mga helmet at ilang bahagi ng motorsiklo gamit ang pintura.

“Ang ating kapulisan po ng Sub-Station 12 na nakakasakop po sa area po ng crime scene o pinangyarihan po ay nagsagawa po ng forward tracking. Sa CCTV po ng barangay po nasundan po nila. Ang insidente po ay nangyari po sa Lower Bicutan hanggang makarating po sila sa Upper Bicutan, katulong na rin po ang nakakasakop na Sub-Station 7 po,” ani Golimlim.

“Tinulungan po sila. Nag-review po sila ng mga CCTV. Nag-conduct ng forward tracking hanggang natunton po nila ang tahanan po ng ating mga suspek,” dagdag niya.

Nakuha rin mula sa mga suspek ang isang .9 mm na handgun, na dinala nila sa forensic unit ng Southern Police District para sa ballistic examination.

Hinihintay rin ang medico legal report sa babaeng biktima.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen.

Hindi nagbigay ng pahayag ang dalawang suspek. — Jamil Santos/BAP GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.