Lisensiya ng rider na may angkas na ala-clown at may chainsaw, sinuspinde ng LTO

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng rider na nahuli-cam na may angkas na naka-costume na killer clown costume, at may dala pang chainsaw sa Bulacan.
Sa ulat ng GMA News na "What We Know So Far" nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente habang binabagtas ng rider at angkas nito ang highway sa Baliwagm habang sakay sa motorsiklo.
Makikita rin sa video na walang suot na helmet ang dalawa.
Hindi umano natuwa ang LTO sa pakulo ng dalawa at sinuspinde ng 90 araw ang lisensiya ng rider na nakitaan ng iba’t ibang paglabag sa batas trapiko.
Paalala rin ng LTO sa mga motorista ngayong nalalapit ang Halloween, iwasan na manakot sa kalsada dahil maaari itong magdulot ng sakuna.—FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.