[EDITORIAL] Beyond the threshold, winning the hearts and minds

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
![[EDITORIAL] Beyond the threshold, winning the hearts and minds](https://www.rappler.com/tachyon/2026/09/Animated-Sara-Duterte-impeachment-treshold-september-28-2026-carousel-revised.jpg)
Animation by Nico Villarete/Rappler
Act of justice kung sakaling humantong ang impeachment trial sa tamang verdict, pero ang tunay na tagumpay ay ang maturuan ang bayan na talikuran ang toxic politics, korupsiyon, at pag-abuso ng kapangyarihan.
AT A GLANCE
- Ang pagbaba ng Senate impeachment court ng kailangang bilang para hatulan si Vice President Sara Duterte ay maaaring maging daan para siya ay madiskalipika sa anumang posisyon sa gobyerno.
- Ngunit walang silbi ang panalo sa usapin ng numero kung hindi naman makukumbinsi ang publiko na suportahan ang hatol sa kanya. Lalo lamang lalakas ang pa-victim na drama ni Sara sa kanyang mga tagasuporta.
- Ano man ang kalabasan ng impeachment trial, kailangang magpresenta ang oposisyon ng malakas na alternatibo para punan ang espasyong maiiwan ng pagka-estsa puwera ni Sara. Kailangan nilang maghain ng bisyon para sa kinabukasan ng bayan, na hindi nakatali lang sa kapalpakan ng mga kasalukuyang political factions.
This is AI-generated. Read the article for full context. Report any errors.
Maaaring pivotal at game changer ang desisyon ng Senate impeachment court na ibaba ang voting threshold sa paglilitis ni Bise Presidente Sara Duterte.
Hinahawi nito ang isang tactical hurdle para sa House prosecution panel. Kung hindi kabilang ang absentee at nakakulong na mga senador sa denominator, magiging makatarungan na ang arithmetic. Mukhang abot-kamay na o may “viable conviction path” na upang permanenteng magdi-disqualify ang Pangalawang Pangulo sa public office.
Pero magiging hungkag ang isang numerical victory kung hindi maipapanalo ang hearts and minds o ang pampulitikang kamalayan.
Maaasahan natin ang pag-igting ng victimhood narrative mula sa puwersang maka-Duterte. Kung technical disqualification ang mangyayari, magiging martir lang sa mata ng kanyang mga supporter ang anak ni Digong.
Higit pa sa mga ledger, bank accounts, tax records, at confirmation receipts, kailangang mabuo ang totoong kuwento ni Sara Duterte: unchecked excesses, fiscal opaqueness, entitlement, at bankrupt values. The manufactured halo of victimhood nurtured by Sara Duterte must be stripped away with the antiseptic of facts and compelling messaging.
Sa labas ng legal arguments na madalas ay kaya lang sundan ng law students, kailangang silaban ng impeachment ang public discourse. Hindi sapat ang pagpapanalo ng verdict — kailangang maipanalo ang kultura ng mabuting pamamamahala.
Dumako naman tayo sa oposisyon. Ma-convict man o hindi si Sara, kailangan ng isang malakas na alternatibo — kundi’y mauuwi lang sa political vacuum ang lahat. Kailangan ng oposisyon ng isang nagkakaisa at nakaka-inspire na pambato sa susunod na eleksiyon.
Hindi lang litanya ng mga kasalanan ng dalawang naghahari’t nagsasalpukuang paksiyon — ang mga Marcos at Duterte — ang magbabangon sa atin sa lusak ng bulok na politika. We need a credible vision for the future.
Act of justice kung sakaling humantong ang impeachment trial sa tamang verdict, pero ang tunay na tagumpay ay ang maturuan ang bayan na talikuran ang toxic politics, korupsiyon, at pag-abuso ng kapangyarihan. – Rappler.com
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.