Suspek sa pagbaril at pagpatay sa babaeng pharmacy attendant sa Cebu City, nahuli na

Nadakip na ang suspek sa pagpatay sa isang babaeng pharmacy attendant sa Cebu City nitong Martes. Ang lalaki, dating karelasyon ng biktima.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nahuli sa Toledo City ang 37-anyos na suspek, at nakuha sa kaniya ang baril na hinihinalang ginamit sa krimen.
Sinabi ng pulisya na umamin ang suspek sa pamamaril na nagsimula nang makipaghiwalay sa kaniya ng biktima.
Itinuturing “case closed” na ng mga awtoridad ang kaso, na anila’y crime of passion.
Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek, na nakakulong na sa Police Station 6, at nahaharap sa reklamong murder. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.