Rider na walang suot na helmet at damit pang-itaas, tila nag-exhibition sa highway
_2026_09_15_14_37_49.jpg)
Huli-cam ang peligrosong pag-exhibition ng isang motorcycle rider na walang suot na helmet at damit pang-itaas sa isang highway sa Dumaguete City.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapanonood sa cellphone video na kuha nitong Linggo na sa halip na sa manibela, inilagay ng rider sa likod ang kaniyang mga kamay habang umaandar ang motorsiklo.
Sinabi ng Land Transportation Office na menor de edad ang rider at hiniram lang ang sinakyang motorsiklo.
Pinagpapaliwanag na ng LTO ang rider.
Kung mapatutunayang wala rin siyang lisensiya, posibleng hindi siya makapagrehistro sa LTO ng ilang taon.
Suspendido ng 90 araw ang lisensiya ng may-ari ng motorsiklo, at inilagay sa alarma ang kaniyang motor. —Jamil Santos/VBL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.