Inquirer EntertainmentKris Aquino puts trust in doctors amid ‘5-year prolonged war’: ‘Lumalaban ako’Punch‘No refund’ policies can’t override consumer rights, Lagos warns businessesThe Jerusalem PostIran can still produce 50 ballistic missiles a month, despite US-Israeli strikes - reportDaily MaverickWHAT’S COOKING: Chicken coconut curry with ground almonds and curry leavesInquirerHow social aid could fund green jobs and reforestationZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioObservador Desporto“Cavalo Selvagem Nove”: Malkovich paga o bilheteKhaosod English17-MILLION-BAHT WASTE CENTRE LEFT UNUSABLE IN PHICHITBollywood HungamaImtiaz Ali's O Saathi Re starring Aditi Rao Hydari, Avinash Tiwary and Arjun Rampal, to Premiere on Netflix on December 4Wirtualna PolskaMateriały wybuchowe na torach. Śledczy ujawnili rolę dywersantaSportstarIND vs AFG, U19 Asia Cup Live Score: Raichandani, Sehwag score fifties; IND 109/0 (15)Il Fatto QuotidianoArisa: “Ho aggiustato il ginocchio della Barbie che avevo rotto e per la psicomagia io non cado più. Io Sanremo? Stefano De Martino, mi ha già detto che non è cosa”
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, November 12, 2026

2 kawatan ng kawad ng kuryente, nawindang nang mag-spark ang kable; 1, nahulog pa

Translate

Napurnada ang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa mga kawad nang biglang mag-spark ang kable na pinupuntirya nilang kunin sa Barangay San Jose, Navotas.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa Balitanghali nitong Huwebes, makikita sa CCTV footage ang dalawang lalaking nasa labas ng isang welding shop 2 a.m. ng Nobyembre 3.

Ilang saglit pa, nag-spark ang kuryente at nahulog ang isa sa mga suspek. Pinuntirya nila ang mismong kable ng kuryente, ayon sa barangay.

Walang kaalam-alam ang dalawang suspek na pinanonood na pala sila ng CCTV operator ng barangay.

“Habang nagmo-monitor 'yung ating CCTV operator, bigla siyang may napansin na nag-spark sa isang anggulo ng screen. Nag-focus siya doon at nakita nila may dalawang naka-standby doon na lalaki,” sabi ni Kagawad Boyet De Guia ng Barangay San Jose, Navotas City.

Nagtungo sa lugar ang mga tanod ng barangay.

Nakita ng mga suspek ang mga awtoridad kaya agad silang tumakbo. Hinabol sila ng mga tanod.

Nahanap ang isa sa mga suspek matapos tahulan ng aso habang nagtatago sa isang eskinita sa barangay.

“Naghalughog uli sila hanggang yung isang pulis natin kasama na nila may napuna siyang kahina-hinala dahil may isang asong tuloy-tuloy lang ang pagtahol. Ayun nga, nakita nila nandoon pala nagtatago 'yung tao,” sabi ni De Guia.

Kalaunan, pinakawalan din ang suspek matapos walang tumayong complainant.

Pero noong Nobyembre 5, naaktuan siya na naglalaro ng ilegal na sugal sa Barangay Tanza Dos kaya muli siyang hinuli.

Nakakulong na sa Navotas City Police Station ang suspek na wala pang pahayag.

Nahaharap siya sa reklamong illegal gambling.

Nananatiling nakaalerto ang barangay para mahuli ang kasabwat niya sa tangkang pagnanakaw. —Jamil Santos/AOL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.