Jackpot prize sa Superlotto 6/49, umabot na sa higit P100-M; pero walang pumaldo

Walang nanalo pero umabot na sa mahigit P100 milyon ang jackpot prize sa Superlotto 6/49 sa ginanap na draw nitong Huwebes, November 12, 2026. Ang kabuuang premyo naman sa tatlong major lotto draw, umaabot na sa halos P1 bilyon.
Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na walang nanalo sa Superlotto 6/49 draw nitong Huwebes, na P103,364,779.46 ang kabuuang premyo.
Walang nakahula sa lumabas na kombinasyon ng mga numero na 44-23-35-13-03-21.
Hindi rin tinamaan ang P15,861,195.08 jackpot sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 15-39-42-38-35-36.
Samantalang nasa halos P8 milyon na ang jackpot prize para sa 6D Lotto..
Wala ring tumama sa 6D Lotto draw nitong Huwebes na ang lumabas na mga numero ay 4-1-7-4-4-1.
Kung pagsasama-samahin ang jackpot prizes sa tatlong major lotto games ng PCSO na Superlotto 6/49, Grand Lotto 6/55, at Ultra Lotto 6/58, aabot na ang kabuuang premyo ng mga ito sa halos P1 bilyon.
Nagkakahalaga ng P512,211,894.61 ang premyo sa Ultra Lotto 6/58; P357,001,590.56 naman ang jackpot sa Grand Lotto 6/55; at P103,364,779.46 sa Superlotto 6/49. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.