P337.8-M jackpot sa Ultra Lotto ng PCSO, mailap pa rin

Nananatiling mailap ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 na umabot na sa mahigit P337.8 milyon matapos na walang manalo sa draw nitong Linggo, September 27, 2026.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa lumabas na winning number combination na 57-40-09-54-56-27, na may kabuuang premyo na P337,819,635.42.
Wala rin nanalo sa kasabay nitong draw na Super Lotto 6/49 game, na ang lumabas na mga numero ay 09-10-41-38-08-26, may jackpot prize na P25,462,206.59.
Maliban sa Ultra Lotto 6/58, umabot na rin sa mahigit P225 milyon ang jackpot sa Grand Lotto 6/55, matapos na wala ring nanalo sa mga lumabas nitong mga numero na 54-50-52-37-42-55, sa ginanap na draw nitong Sabado, Sept. 26,2026.— FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.