30-anyos na babae na tumatawid sa kalsada, patay nang mabangga ng motorsiklo na 17-anyos ang rider

Isang 30-anyos na babae na tumatawid sa kalsada ang nasawi matapos siyang mabangga ng isang motorsiklo na minamaneho ng isang 17-anyos na rider sa Lapu-Lapu, Cebu.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa GTV News Balitanghali nitong Martes, lumabas sa imbestigasyon na tumatawid ang biktima at papunta sana sa isang tindahan nang mabangga ng motorsiklo.
Tumilapon ang biktima sa lakas ng pagkakabangga at magtamo ng matinding sugat sa ulo.
Dinala sa hospital ang babae ngunit nasawi rin kalaunan.
Desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng reklamo laban sa menor de edad na rider, na hindi pa nagbibigay ng pahayag.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.