PunchNLNG unveils AI tool to cut MRI scan timeThe Jerusalem PostWearable counter‑drone tech enters frontline service across US, Ukraine and IDF unitsBollywood HungamaMahakavya Shri Ramayan Katha producer Prakash Mahobiya alleges ‘negative marketing’; hints at big-budget Ramayana saying, “We never got a chance to reach our audience”ESPNTransfer rumors, news: Man United, Arsenal, Chelsea battle for Freiburg strikerInquirerSara Duterte: Mom prefers Baste for national politicsCNN Türk"Fon" ödemesi hangi formülle olacak?UOLTelevangelista americano Jim Bakker, envolvido em escândalos de fraude e sexo, morre aos 86 anos20 MinutenXena (24): «Sie trauen mir als Frau den Chefposten nicht zu»ZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioHet Laatste NieuwsVoormalig hoofd van Duitse inlichtingendienst aangehouden op verdenking van spionage en landverraadWirtualna PolskaPrezes UOKiK: Liczymy na refleksję po stronie Google'aNHK 社会デヴィ夫人 元マネージャーなど暴行の罪で罰金20万円
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 6, 2026

Lalaki, huli sa pananaksak ng kaniyang pinsan dahil sa hatian ng kita sa pangangalakal

Translate

Arestado ang isang 29-anyos sa lalaki matapos niyang pagsaksakin ang kaniyang pinsan dahil umano sa hatian ng pera sa pangangalakal sa Barangay Escopa III, Quezon City.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes, sinabi ng pulisya na naganap ang krimen sa bahay na tinutuluyan ng magpipinsan. Nakainom umano noon ang suspek.

“Sinabihan niya 'yung asawa nitong ating biktima na ‘Papatayin kita.’ Then nu'ng narinig ng mister, nu'ng sinabihan niya na ‘papatayin kita,’ tinanong siya and bigla na lang itong ating suspect, inundayan ng saksak itong ating biktima. Sabi po ng mga kamag-anak nila, ‘pag nakakainom ay madalas ang hanap nitong ating suspect ay gulo at away,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Geoffrey Lim, Commander ng Project 4 Police Station.

Nadakip sa hot pursuit operation ng pulisya ang suspek, na akmang tatakas na.

Nakuha ang ginamit na patalim ng suspek, na umamin sa nagawang krimen.

Ang ugat umano ng komosyon, hatian ng pera na kita sa pangangalakal.

“Akala po nila kasi na ginugulangan ko po sila. Eh, nangangalakal po kami sir eh… Parang nagkakagulo na kasi nu’n sir eh. Meron po (pagsisisi)... Sana po mapatawad nila ako sa nagawa kong kasalanan sa kanila,” sabi ng suspek.

Nasa maayos nang kalagayan ang 23-anyos na biktima samantalang sugatan ang kaniyang 20-anyos na kapatid na umawat sa gulo.

“Yung ating biktima ay nakalabas na sa hospital pero may injury siya sa likod at sa kaniyang kamay. 'yung isa naman na biktima ay may mga gasgas at bruises sa kaniyang mga braso,” sabi ni Lim.

Dati nang nabilanggo ang suspek dahil sa pagnanakaw.

Mahaharap naman siya ngayon sa mga reklamong frustrated homicide, grave threat at physical injury. —Jamil Santos/NB News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.