Ukrainian tennis player na si Oleksandra, naalala ang kaniyang mga kababayan sa Pinoy word na 'Laban!'

Labis ang pasasalamat ng Ukrainian tennis player na si Oleksandra Oliynykova sa mga Pinoy na sumusuporta na rin sa kaniya. Suot ang t-shirt na may salitang “Laban!,” hindi naalis sa isipan niya ang mga kababayang humaharap sa digmaan laban sa Russia.
Sa Instagram, nag-post si Oleksandra ng larawan niya na suot ang puting T-shirt na may nakasulat na "Laban!," at ipinaliwanag ang kahulugan nito sa wikang Filipino.
"Laban! This is a word my Filipino fans taught me. Fight. Don’t give up. Stand your ground. Even when things don’t go your way. When it feels hard to keep going," saad ni Oleksandra na nakasalamuha ang ilang Pinoy sa Singapore Open.
"And then you remember your people back home in Ukraine and the reason to keep trying and going every new day. And somewhere along the way, you find so many new friends too," dagdag niya.
Nagpasalamat si Oleksandra sa mga Pilipino sa pagsuporta sa kaniya at sa Ukraine, na kasalukuyang nakikipagdigma sa Russia.
"Maraming salamat, mula sa puso. I really love being your adopted cousin," saad pa niya.
Nakilala ng mga Pinoy si Oleksandra nang makaharap niya si Alex Eala sa second round ng US Open nitong unang bahagi ng buwan.
Bagaman natalo kay Alex sa laban, umani naman si Oleksandra ng paghanga at respeto mula sa Pinoy tennis fans, bagay na ikinatuwa ng Ukrainian player.
Nasa No. 47 si Oleksandra sa WTA rankings. Sa Singapore Open, tinalo niya si Vivian Wolff ng United States sa round of 32 bago natalo kay Maja Chwalińska ng Poland sa round of 16.
Samantala, makakaharap ni Alex ang Russian player na si Tatiana Prozorova sa round of 16 upang simulan ang kanyang kampanya sa Singapore Open nitong Huwebes. —FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.