ESPN DeportesPortugal muestra su poder goleador sin Cristiano RonaldoRTP DesportoHojlund empata a partidaDaily MaverickECOLOGICAL ALARM: Beautiful region, scary findings: CapeNature’s latest report cardThe Jerusalem PostBennett, Lapid meet family of Haymanot Kasau, pledge to transfer case to Shin Bet, Zini if electedESPNSon of NBA legend Olajuwon commits to SMU's class of '27InquirerLeonen seeks zero tolerance for court corruptionThe Hollywood ReporterNithya Raman Promises She’ll Be a “Relentless Advocate” for HollywoodDeadline‘Musk’ Director Alex Gibney On World’s Richest Man: “He’s A Bullsh*tter”Premium TimesMakinde ​‌‌‍​‌‍⁠⁠‌⁠⁠‍⁠‍‍‌​‌​appoints zonal coordinators to drive 2027 presidential campaignConsequenceNoah Weiland Tapped as New Singer of LA Rock Band ZephyringE! OnlineDorothy Wang Is Pregnant, Expecting First Baby With Brandon YankowitzSouth China Morning PostTrump vows to hit Iran ‘very hard’ if linked to flydubai attack
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 1, 2026

'Sama-sama' sa pamamagitan ng mga bulaklak: International ikebana gathering ginanap sa Maynila

Translate

Sa pamamagitan ng mga bulaklak, nagsama-sama sa Maynila ang mga mahilig at practitioner ng ikebana mula sa Pilipinas at iba’t ibang bansa.

Ginaganap sa Conrad Manila ang 16th Asian Regional Conference ng Ikebana International, na may temang “Sama-sama,” isang salitang Filipino na nangangahulugang togetherness.

Host ng conference ang Ikebana International Manila Chapter 108. Aabot sa 140 exhibitors ang lumahok sa exhibition, kung saan makikita ang iba’t ibang estilo, kulay at disenyo ng ikebana.

Hindi lang exhibition ang tampok sa conference. Kasama rin sa mga aktibidad ang workshops, cultural activities at mga demonstration. Nakatakda ring magkaroon ng grand demonstration si Hiroki Ohara, headmaster ng Ohara School of Ikebana sa Oktubre 4.

Isa sa mga exhibitors si Maria Liza Guingona, na 15 taon nang bahagi ng Ikebana.

Nahikayat siyang sumali sa pamamagitan ng kaniyang biyenang si Josefina Gingona, na naging miyembro ng Davao Chapter noong dekada 1970.

Mahilig na rin siya sa pagtatanim at kalikasan mula pa pagkabata. Isa sa kaniyang mga arrangement ay inspirado sa Bukidnon Ridges, partikular sa Impasug-ong.

Para kay Guingona, hindi lang basta pag-aayos ng mga bulaklak ang ikebana.

“To me, Ikebana is natural healing. It’s like a meditation. So every time I do arrangement, it’s also a good meditation.”

Gumagamit din siya ng mga garden trimmings sa kaniyang mga arrangement at hinihikayat ang iba na subukan ang ikebana dahil para sa kaniya, maaari itong maging healing experience.

Samantala, ipinakita naman ni Indira Prasanna Akula ang kaniyang arrangement mula sa Ohara School of Ikebana.

“This is our Ohara school arrangement, which is called Narabu Katachi. It’s a one-row form, which can be used on side tables.”

Apat na taon pa lamang siyang nag-aaral ng ikebana. Aniya, gusto niya ang pagsasama ng kalikasan, empty spaces at iba’t ibang kulay sa paggawa ng arrangement.

Para naman kay Christopher Lim, mahalaga ang mensahe ng pagkakaibigan na ipinapakita sa pamamagitan ng ikebana.

“Because this ikebana is friendship through flowers. Yeah. I feel that ikebana flowers connect with everyone. So I’m trying to create something that is original, so that it’s inspiring for other people to come to this site and be creative.”

Nais niyang makalikha ng isang orihinal at dramatic na arrangement na maaalala ng mga dumalo sa conference.

Ibinahagi rin ng presidente ng Ikebana International ang kahalagahan ng kanilang motto na “Friendship through Flowers.”

“This is the motto: is friendship through flowers. So this is a very important thing,” ayon kay Lim.

Ayon sa kaniya, maraming paaralan ng ikebana ang kabilang sa Ikebana International kaya iba-iba rin ang estilo ng mga arrangement na makikita sa exhibition.

“Because, you know, we have many, you know, schools, you know, members together in the, you know, community, Ikebana International. So that’s why this is a very variety of the flower arrangement. It’s very fun, enjoyable. I like it,” dagdag ni Lim.

Itinatag ang Ikebana International noong 1956 at layunin nitong pag-isahin ang mga taong may pagmamahal sa kalikasan at ikebana. Binubuo ito ng mga miyembro mula sa iba’t ibang bansa at iba’t ibang paaralan ng ikebana.

Para naman kay Yvette Cristina Poe, may sinusunod na mga panuntunan sa paggawa ng ikebana, partikular sa Ikenobo School.

“So we have certain formulas that we use, and these are all actually very spiritual. So I enjoy Ikebono Ikebana because when you create, it’s like very zen. It touches the soul, and it’s a reflection of, of course, our feelings and our thoughts and creativity.”

Sa conference, tampok ang iba’t ibang estilo at interpretasyon ng ikebana—patunay na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga paaralan at paraan ng paggawa, nagsasama-sama ang mga miyembro sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal sa mga bulaklak.

Magtatapos ang 16th Asian Regional Conference sa Oktubre 4. — BAP GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.